Paano Tanggapin ang Mahirap Tanggapin

Ang mga tao ay nagdadalamhati dahil sila ay nagmahal, at bagama't ang pakiramdam ng pag-ibig ng bawat isang tao ay kakaiba, ganoon din naman ang kanilang pangungulila. Ang pagtanggap ng kamatayan at pagkabawi mula sa pangungulila ay nangangailangan ng malaking pagpupursige sa loob ng maraming buwan o taon.

Panangggalang na Hindi Paniniwala

Ang pakiramdam ng hindi paniniwala na nangyayari pagkatapos mamatay ang isang minamahal ay isang pang-angkop at pansamantalang pagtugon-isang bagay na nagpoprotekta laban sa sakit ng pagkawala at binibigyan ang tao ng pagkakataon na mapangasiwaan ang lahat ng mga bagay na kailangang maasikaso pagkatapos ng kamatayan.

Hindi madaling mangyari at hindi kaagad-agad na nangyayari ang pagtanggap ng masakit na katotohanan, at maaaring ito ay isang nakakapagod na karanasan. Kapag ang pagkawala ay tinanggap na ng lubos, maaari itong may kasamang matinding kalungkutan, mga pagdududa tungkol sa kung maaari pa kayang muling bumuti ang nararamdaman kailanman, at ang kahirapan ng pagharap sa buhay na hindi kasama ang tao na kamamatay lang.

Maaari ding masira ng kamatayan ang paniniwala sa mga natitirang mga miyembro ng pamilya, at kalimitan dahil dito ay napipilitan ang naiwanang asawa na mamuhay na muli bilang isang nagsasariling tao, inaangkin ang mga peligro at gawain na dati ay inaasikaso ng kanyang minamahal.

Mga Luha at Pagka-inis

Nahihirapan ang ilan sa mga nagluluksa na maging may kasamang ibang tao. Parang bale-wala ang ordinaryong pakikipag-usap. Maaaring biglaan na lang na umiyak o maging magagalitin. Ang iba ay nahihiya dahil sa mga emosyon na kanilang ipinahahayag, at minsan ang kanilang pakiramdam ay sila ay "dapat na mas mabuti na ngayon ang pakiramdam."

Ang iba ay nakakaranas ng pakiramdam na sila ang may kasalanan, tinatanong nila ang kanilang sarili kung mayroon pa kaya silang mga dapat nagawa upang mapigilan ang kamatayan o pagdurusa, o tungkol sa mga bagay na nangyari o hindi nangyari sa kanilang pakikipag-ugnayan sa tao na nawala. Maaaring ang pakiramdam nila ay sila ay may kasalanan dahil hindi sila namatay, o kaya kung sila ay nakaranas ng pakiramdam na kaginhawahan o dahil hindi sila nalulungkot.

Karagdagan pa, halos lahat ng mga tao na nagluluksa ay may pakiramdam ng pagkagalit sa iba habang sila ay nagdadalamhati. Maaaring sila ay galit sa kanilang sarili, sa kanilang pamilya at mga kaibigan, at maaaring pati na rin sa Diyos dahil pinabayaan ang kanilang minamahal na mamatay.

Pagbabago

Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, makararanas sila ng lumalaking pagtanggap at pagbabago. Ang lakas at pag-asa ay muling bumabalik sa mga naiwanan habang kanilang sinisimulan na alamin (o muling alamin) kung ano ang makabuluhan para sa kanila at makahanap ng lakas ng loob na matutuhan ang mga bagong kakayahan at paniniwala sa sarili. Ang mga dating relasyon sa ibang tao ay muling naibabalik; at mayroon ding mga bagong nabubuo.

Ang lahat ng mga damdamin na ito ay normal na bahagi ng pamamaraan ng pagdadalamhati. Kahit na ang mga ito ay masakit na maranasan, kinakailangang maipahayag ang mga ito upang makapagpatuloy sa normal na pagdaloy ng buhay. Binibigyan ang mga tao ng pamamaraan ng pagdadalamhati ng pagkakataon na maging mas mabuti sa mga paraan na hindi nila napag-iisipan noong kanilang sinimulan ang paglalakbay.

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.