Huwag Hahayaang Maging Depression ang Pangungulila

Ang pangungulila ay isang natural na reaksyon sa isang makabuluhang pagkawala, ngunit kapag ang pangungulila ay naging sobra na at hindi na makayanan, o kaya kung masyadong matagal na ito at nagsisimula na itong makagambala sa pang-araw-araw ng mga aktibidad at kasiyahan, maaari itong maging depression.

Narito ang ilang mga mungkahi para makilala, maiwasan at mapagtagumpayan ang depression na may kaugnayan sa pangungulila.

Ano ang Depression?

Ang depression ay isang pakiramdam ng kalungkutan, kahinaan ng loob, negatibong pag-iisip, o kawalan ng pag-asa na tumatagal nang maraming linggo o buwan at nakagagambala sa kakayahan na mapangasiwaan ang pang-araw-araw na mga gawain. Dahil sa pangungulila, nahihirapan ang tao na makapag-concentrate o makahanap ng enerhiya para malutas ang mga problema. Kung lumala ang mga problema, lalala din ang kalungkutan, at depression na ang papalit. Ang depression ay maaari ding dulot ng mga gamot o mga kemikal na pagbabago sa katawan. Kinakailangang mayroong bagay na makaputol sa pagpapaulit-ulit ng mga ito.

Mga palatandaan:

  • Mga pagbabago sa ganang kumain
  • Insomnia o naiistorbong pagtulog
  • Nabawasan ang antas ng enerhiya
  • Nabawasan ang kakayahan na makapag-concentrate
  • Kawalan ng kasiyahan sa mga bagay na dating nakapagbibigay ng kaluguran, katuwaan at kaligayahan

Papaano Mapipigilan ang Depression

  • Manatiling makipag-ugnayan sa mga taong kinaluluguran mo kapag sila ay kasama.
  • Manatiling pisikal na aktibo, at pati na rin aktibo sa pag-iisip at sa katalinuhan hanggang sa lubos na maaari.
  • Tapatang talakayin ang iyong mga nararamdaman sa isang miyembro ng pamilya, isang kaibigan, o sa isang miyembro ng VITAS team.
  • Sabihin sa ibang tao kung ano ang iyong kailangan at ninanais; huwag aasahan na kanilang mahuhulaan kung ano ang iyong iniisip.
  • Magtatag ng makatwiran at nakakamit na mga layunin para sa iyong sarili. Mas mabuti pang magtatag ng isang madaling layunin at makamit ito kaysa sa magtatag ng isang layunin na napakataas at mabigo.
  • Kontrolin ang mga paulit-ulit at negatibong mga nasasaisip.

Kung napansin mo na ang depression ay nagsisimula nang hindi ma-kontrol, makipag-usap sa iyong doktor o humingi ng tulong mula sa isang propesyonal ng kalusugan sa pag-iisip sa pamamagitan ng counseling, pag-inom ng gamot o isang kombinasyon ng dalawa.

Mga Bagay na Isaalang-alang

  • Ang iyong mga nararamdaman ay tunay.
  • Ang iyong mga problema ay tunay at ang pagkakaroon ng kaunting depression ay normal.
  • Normal para sa mga tao na hindi naiintindihan kung ano ang iyong nararamdaman at magtangkang pasayahin ka. Tanggapin ang kanilang mga pagtatangkang makatulong, ngunit kung ang kanilang ginagawa ay nakasasama ng iyong loob, sabihin sa kanila na hindi nirerespeto ang iyong mga nararamdaman ng kanilang mga salita o pag-uugali.
  • Ang fatigue at pagkapagod ay maaring makadagdag sa pagkakaroon ng mga pakiramdam ng depression.
  • Ang pananakit ay maaaring makapagpalakas ng depression at ang depression ay maaaring makapagpalakas ng pananakit.
  • Ang mga pasyente na depressed ay may makasariling pag-uugali na maaaring magdulot sa pamilya na magalit.
  • Kung ikaw ay isang tagapag-alaga, tandaan na hindi ka responsable para sa depression ng isang pasyente.

Anong Kailangang Gawin

Kontrolin ang negatibong pag-iisip sa pamamagitan ng:

  • Pagsigaw ng "TIGILAN IYAN" nang malakas kapag napansin mo ang iyong sarili na negatibong nag-iisip.
  • Pagsasalarawan sa iyong pag-iisip ng isang malaking pulang stop sign.
  • Pagpalo ng iyong sarili sa kamay.
  • Pagtayo upang makapunta sa ibang lugar.
  • Pagbigay ng iyong sarili ng maiksing panahon (15 minuto) at isang lugar na mag-isip ng mga negatibong pag-iisip. Sa ganitong paraan may kontrol ka sa iyong pag-iisip.
  • Pagbibigay-libangan sa iyong sarili. Isangkot ang iyong utak sa ibang bagay na pinapalitan ang negatibong pag-iisip.
  • Pag-iisip kung anong mga pagbabago ang magagawa upang ma-kontrol ang sitwasyon.
  • Pag-iisip kung ano ang nakapagbigay sa iyo ng mga damdamin ng halaga noong nakaraan at kung ano ang magagawa na ngayon bilang kapalit.
  • Pakikipagsapalaran sa mga sitwasyon na kung saan maaari kang magtagumpay.
  • Pagtataguyod ng isang grupo ng "maliliit" na mga inaasahan at mga kaganapan na iyong kinasasabikan.
  • Pag-re-relax sa pamamagitan ng may-gabay na pagsasalarawan, paggugunita, sining, tugtugin o iba pang mga aktibidad na makatutulong sa sarili.
  • Pag-kumpirma-pagkilala ng iyong sariling kahalagahan. Kumpirmahin at kilalanin ang iyong sariling kahalagahan.
  • Pagsali sa mga aktibidad na may kaugnayan sa sining.
  • Pag-inom ng mga gamot na inireseta sa iyo ng iyong doktor para sa depression.

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.