First-time Caregiver? Hindi ka Nag-iisa at Makakatulong ang Hospice
Ang pag-aalaga sa isang tao na may malubhang sakit o humaharap sa life-limiting illness ay nakakatakot, nakakapagod at minsan nakakabigo. Ngunit ang iyong papel bilang first-time na tagapag-alaga ay maaari ring maging kalugod-lugod kung iyong:
-
Gagamitin ang iyong hospice team bilang suporta, edukasyon at pag-aalaga na particular sa hospice
-
Sundin ang payo at mga mungkahi ng may karanasan na mga tagapag-alaga
Halos 40 porsyento na mga Amerikano ay nagbibigay ng pangangalaga na pangmatagalan sa isang mas matandang miyembro ng pamilya o kaibigan, ayon sa Long-Term Caregiving Poll ng Associated Press-NORC Center.1 Kabilang sa mga tagapag-alaga ang 59 porsyento na babae, 41 porsyento na lalaki, na may iba pang mga tagapag-alaga na malamang na nag-aalaga ng isang magulang o asawa, at yung mga mas bata pa sa 40 taong gulang ay malamang na nag-aalaga ng isang lolo o lola o kaibigan.
Sinusuportahan ng hospice ang mga pasyente at ang kanilang mga first-time na tagapag-alaga
Kung ang iyong minamahal ay may life-limiting illness na kwalipikado para sa hospice care, magsimula sa pamamagitan ng pagtawag sa VITAS upang malaman ang mga serbisyo at mga benepisyo sa bahay na maaaring makuha ng first-time na mga tagapag-alaga. Kabilang sa mga bagay na ito ang linggo-linggong pagbisita ng mga miyembro ng medical team ng VITAS hospice (doktor, nurse, aide) at ang pagpapadala sa bahay ng mga kagamitan, supply at mga gamot na may kaugnayan sa diagnosis ng iyong minamahal. Karamihan sa mga hospice care ay sa bahay ibinibigay, kahit saanman ang itinuturing ng pasyente bilang kanyang bahay.
Tingnan ang mga benepisyo ng Medicare para sa hospice care
Lubos na sakop ng Medicare, Medicaid at ng karamihan ng mga pribadong insurance plans ang halaga ng hospice care para sa mga eligible na pasyente ng hospice. Makipag-usap sa doktor ng iyong minamahal tungkol sa mga pangangailangan para sa isang referral sa hospice, at maging masaya sa kaalaman na ang mga pangunahing manggagamot ay maaaring manatiling kasali pa rin sa pangangalaga ng iyong minamahal kahit na pagkatapos na magsimula silang tumanggap ng mga hospice services.
Ang layunin ng hospice care ay upang mapawi ang kahirapan ng iyong minamahal na may sakit na walang lunas sa pamamagitan ng pagbibigay-tuon sa pananakit, pangangasiwa ng mga sintomas at pagbibigay ng suporta sa quality of life sa katapusan ng buhay. Sinusuportahan din ng hospice ang mga tagapag-alaga sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa isang hospice pastor, social worker, boluntaryo at suporta sa mga naulila nang hanggang sa 13 buwan pagkatapos ng kamatayan ng isang minamahal.
Natagpuan ng pambansang poll tungkol sa pag-aalaga na ang pagdarasal at meditation ay karaniwang mga mapagkukunan ng kaginhawahan para sa mga tagapag-alaga at isang paraan para kanilang makaya ang kanilang niraranasan, at ang iba pang mga plano at mungkahi mula sa mga matagal nang tagapag-alaga ay makakatulong sa mga first-time na tagapag-alaga na maiwasan ang sobrang pagkapagod ng tagapag-alaga.
Tandaan lamang na kung ikaw ay first-time na tagapag-alaga, hindi ka nag-iisa.
1Associated Press-NORC Center for Public Affairs Research. June-July 2018 poll of 1,024 U.S. adults. https://www.longtermcarepoll.org/long-term-caregiving-the-true-costs-of-caring-for-aging-adults/