9 Mga Paraan Upang Mapanatili ng mga Caregiver na Ligtas ang Kanilang Mga Bahay sa Bakasyon

Mga Simpleng Panukala sa Kaligtasan para sa Mga Tagapag-alaga

Ang Kapistahan ay isang abalang oras-kung saan bumibisita ang mga kamag-anak, isinasabit kung saan-saan ang mga dekorasyon, at patuloy na nagtatrabaho ang oven o lutuan. Kung nag-aalaga ka rin ng isang mahal sa buhay sa bahay sa mismong kapistahan, madaling malaktawan ang mga simpleng paraan ng pag-iingat.

Narito ang siyam na paraan upang mapanatili ang kaligtasan ng kanilang mga tahanan para sa mga bisita at mahal sa buhay sa lahat ng edad ngayong kapistahan:

  1. Siguraduhin na ang lahat ng mga smoke detector ay gumagana.
  2. Maglagay ng fire extinguisher malapit sa kalan at tiyaking mahusay na gumagana.
  3. Alisin ang mga basahan sa lugar upang maiwasan ang mga pagkatapilok at pagkadulas.
  4. Panatilihing walang kalat ang mga hagdan at pasilyo, kabilang ang mga laruan, kahon, maluwag na sapatos, atbp.
  5. Punasan agad ang tumapong grasa, tubig o piraso ng pagkain upang maiwasan ang pagkadulas.
  6. Panatilihin ang lahat ng mga dagdag na de-kuryenteng kurdon mula sa ilalim ng mga basahan, mga pintuan at mga nalilipat na kasangkapan.
  7. Siguraduhin na ang mga extension ng cord ay naaprubahan ng UA, ang tamang sukat para sa appliance o ilaw, at hindi magpapakita ng mga palatandaan ng paghihimulmol. Kung naghihimulmol na ang mga ito, palitan ito.
  8. Alamin ang lokasyon ng tubig, gas at patayan ng kuryente.
  9. Maghanda at punan ang isang first-aid kit na naaprubahan ng doktor o American Red Cross.

Walang nais maggugol ng oras sa emergency department sa mga kapistahan. Kaya, bago maging abala ang lahat, pagmasdang mabuti muna ang bahay. Kung magpasya ka mang alisin ang anumang bagay na maaaring magdulot ng problema (hal., umuugang kasangkapan sa bahay, bihirang gamitin na appliance, mga naghihimulmol na basahan sa lugar)? Maaari kang magdagdag ng mga bagay upang mapahusay ang kaligtasan (mas matibay na mga handrail, mga walang dulas na bath mat, mga ilaw sa gabi o maliwanag na ilaw, atbp.)?

Para sa karamihan ng mga tao, ang bahay ang pinakamagandang lugar sa panahon ng kapistahan. Sa pagpanatili rito nang ligtas, tatangkilikin ng lahat ang kapistahan.

 

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.