Sino ang nag-aalaga sa Caregiver o Tagapag-alaga ng Breast Cancer?
Sa loob lang ng isang araw, maaaring ihatid niya ang mga bata sa paaralan, pumunta sa appointment sa doktor, daanan ang mga prescription na gamot, maglaba, magbigay ng gamot, tulungan ang asawa niya na maligo, maghanda ng hapunan, tulungan ang mga bata sa homework, magbayad ng bills at paulit-ulit na bumangon sa gabi upang i-comfort ang kanyang asawa. At bukas, balik sa simula ulit.
Mahaba ang mga araw, maikli ang tulog at walang katapusan ang pag-aalala ng mga tagapag-alaga ng mga breast cancer patients. Sa hospice. maaaring magbago ito.
Hospice care-sama-samang pagtutulungan ng isang team upang tulungan ang mga pamilya ng mga breast cancer patients.
Sa gitna ng lahat ng hospice services ay ang palliative care kung saan kasama dito ang mga paraan upang iwasan"...ang mga sintomas ng sakit; mga side effect na dala sa paggagamot ng sakit; psychological, social at spiritual problems na kaugnay ng sakit"¹ Ang mga serbisyong ito ay para rin sa buong pamilya ng pasyente.
Kung nag-aalaga ka ang pasyente na may breast cancer, o may kilala kang tao na may breast cancer, narito ang ilan sa mga tips mula sa ibang caregivers:
- Siguraduhin na sapat kang nakakapagpahinga.
- Tanggalin ang stress sa paraang productive o mapapakinabangan-pag-exercise, pakikipag-usap sa ibang tao, atbp.
- Pag-usapan ang hinaharap nang may pag-asa.
- Panatilihin ang iyong sense of humor.
- Hayaan mo ang sarili mo na maramdaman ang mga emosyon na kaugnay sa sakit ng mahal mo sa buhay.
- Gamitin ang mga resources na available para sa mga tagapag-alaga, katulad ng support groups, online information, atbp.
- Hindi mo kailangang gawin ang lahat ng mag-isa. Humingi ng tulong; tanggapin ang tulong kapag may nagbigay nito.
- Hayaan mo ang sarili mo na gawin ang mga hobbies na gusto mo.
- Subukan ang mga relaxation techniques katulad ng meditation o therapeutic massage.
- Laging magkaroon ang positibong pag-iisip.
Mga benepisyo ng isang interdisciplinary team
Sa mga serbisyo ng hospice, pinagsasama-sama ang mga kasanayan ng iba't ibang healthcare professionals kabilang na ang doktor, nurse, social worker, hospice aide, chaplain, specialty therapist (hal. masahe, acupuncture, Reiki, musika, arte, pets, atbp.), bereavement manager at volunteer. Ang layunin nila ay ang panatilihing maging kalma, kumportable at naaalagaan ang pasyente at ang pamilya niya, kahit pa ang pasyente ay nasa ospital o sa bahay man.
Tinutulungan ng hospice care ang pasyente na may breast cancer sa pamamagitan ng pagpapaginhawa ng sakit na nararamdaman at sintomas ng pasyente. Ang mga karaniwang problema na nararanasan ng mga breast cancer patients ay ang nausea o pagkahilo at pagduduwal, pangangapos ng hininga, pagtitibi at fatigue o matinding pagkapagod-at ang lahat na ito maaaring pangasiwaan ng hospice team. Binibigyan din ng atensyon ang pagkabalisa, depression at pag-aalala sa itsura ng katawan ng pasyente.
Ano ang mga ikinababahala ng tagapag-alaga?
Naiiba ang mga problema na nararanasan ng breast cancer caregiver. Maaari silang turuan ng miyembro ng hospice team tungkol sa mga treatment options, ipaliwanag ang mga side effects na maaaring lumitaw at ang mga sikolohika na problema na nararanasan ng pasyente.
Ang pagkakaroon ng mas mabuting kaalaman tungkol sa sakit at nararamdaman ng pasyente ay nakakaapekto sa kakayahan ng tagapag-alaga na alagaan ang pasyente.² Nakakatanggap man tulong ang tagapag-alaga sa mga gawain sa bahay, nakatatanggap man siya ng mga paliwanag tungkol sa mga kumplikadong medical procedures, o kaya naman ay nabibigyan siya ng tasa ng kape habang pinakikinggan siya, ang malaman lang niya na hindi niya dapat gamit ang lahat ng nag-iisa ay sapat upang mabawasan ang depression, pagkabalisa at at pakiramdam na na-ooverload na siya o hindi na niya kaya ang ginagawa niya.³
'Narito kami para tulungan ang caregiver'
Sa VITAS, alam ng bawat miyembro ng care team na ang end-stage breast cancer ay hindi lang nakakaapekto sa pasyente; naaapektuhan nito ang buong pamilya.
"Ang mga tagapag-alaga ay nalilito. Kung bukas sila na pag-usapan ang kanilang sariling pangangailangan, maaari kaming magbigay ng tulong, lalo na ang emotional support, at pati na rin ang makapagbigay ng impormasyon kung saan sila pwedeng pumunta-support groups, simbahan-o kaya naman bigyan sila ng mga numbers na pwede niyang tawagan," Gustavo Giraldo, isang VITAS chaplain. "Meron kami noong breast cancer patient na inaalagaan ng kanyang anak na babae. Sinigurado ko na tinatawagan ko ang anak niya isang beses isang linggo upang alamin kung kumusta na siya. Narito kami para tulungan ang tagapag-alaga; narito kami para sa kanila kahit pumanaw na ang mahal nila sa buhay."
Ang pakikinig, pagbibigay ng emotional support at pagbibigay ng impormasyon tungkol sa community resources ay ilan lang sa mga paraan ng pagtulong ng hospice sa tagapag-alaga ng pasyente.
¹https://community.breastcancer.org/blog/including-palliative-care-as-part-of-your-treatment-from-the-time-of-diagnosis/
²https://getpalliativecare.org
³http://www.breastcancer.org/research-news/early-palliative-care-beneficial