Pagluluksa sa Pagkamatay ng Magulang

Isang Nakakapanghinang Karanasan

Ang pagkamatay ng magulang ay ang pinakakaraniwang anyo ng pangungulila sa pagpanaw ng tao sa US. Halos 12 milyong Amerikanp ang naglilibing sa kanilang magulang bawat taon, pero pinapaniwalaan sa lipunan na dahil inaasahang papanaw ang ating mga magulang, ang mga naulilang nasa hustong gulang na anak ay dapat "mabilis na makalampas sa pangungulila sa pagpanaw ng magulang."

Ayon sa isang 45 taong gulang na namatayan ng parehong magulang sa loob ng siyam na buwan, "Ang pagkamatay ng aking mga magulang ay isang lubhang nakakapanghinang karanasan. Sa isang iglap, parang walang pagitan sa akin at sa aking kamatayan. Naramdaman kong wala akong magulang-na isa akong inabandunang ulila. Napuwersa ako nitong biglang tumanda dahil bigla akong nakita ng lahat bilang ang bagong magulang sa pamilya."

Kung malapit ang ugnayan sa isang magulang, maraming namatayang nasa hustong gulang ang nakakaramdam na nawalan sila ng kaibigan at tagapayo. Habang nangungulila sila sa isang magulang, ibinabahagi nila ang pagkawala sa sinumang nakakaunawa sa mga alaala ng kanilang pagkabata o may parehong mga award, nakamit, o pang-araw-araw na buhay noong bata pa sila.

Ang Mga Susunod na Hakbang

Maaaring lumabas ulit ang mga dating kakumpitensya at pagseselos sa panahon ng pagkamatay ng magulang, lalo na kung may hindi pagkakaunawaan sa mana. Kapag may namamatay na magulang, maraming nasa hustong gulang na anak ang posibleng magsimulang tuklasin ang kahulugan ng kanilang buhay at suriin ang direksyong tinatahak ng kanilang buhay. Ang ilan ay gumagawa ng malaking pagbabago sa kanilang mga buhay.

Kung namatayan ka ng magulang, maaaring makatulong ang mga mungkahing ito:

  • Kilalanin ang kahalagahan ng pagkawala at hayaan ang iyong sariling ganap na magluksa. Normal ang mga pakiramdam ng galit, pagkalito, paninisi, at hiya.
  • Huwag madaliin ang sarili na "bumalik sa normal."
  • Tugunan ang anumang hindi natapos na gawain sa iyong namatay na magulang sa pamamagitan ng pagsulat ng liham, pakikipag-usap sa taong pinagkakatiwalaan mo, o paghingi ng tulong sa isang propesyonal na espesyalista sa pangunguilila.
  • Gumawa ng mga bagong kagawian, ritwal, at seremonya ng pamilya. Maghanda nang maaga para sa mga espesyal na holiday at anibersaryo.
  • Sumali sa isang bereavement support group para maibahagi ang iyong mga saloobin sa iba.
  • Bawat taon, gunitain ang anibersaryo ng pagkamatay ng iyong magulang. Gumawa ng memorial tribute sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa isang kawanggawa sa pangalan ng iyong magulang, pagtatanim ng puno, pagbisita sa sementeryo, paggawa ng memory book, o anumang bagay na magiging epektibo para sa iyo.
  • Tanggapin ang alok na tulong ng iyong mga kaibigan at kapamilya. Maging partikular sa iyong kailangan.
  • Matutong alagaan ang iyong sarili. Palibutan ang iyong sarili ng mga taong nagmamahal sa iyo.

Alalahaning ang sakit na nararamdaman mo sa pangungulila sa iyong magulang ay huhupa rin sa kalaunan.

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.