Pag-alala sa mga Mahal sa Buhay tuwing mga Holiday, Anibersaryo at Espesyal na Araw
May tungkulin ang mga espesyal na araw sa pagpapanatiling buhay ng mga alaala ng mga pumanaw nang mahal sa buhay, ngunit ang mga ito ay maaari ding maging mapait at matamis na mga karanasan lalo na kung nagdadalamhati ka pa.
May kapangyarihan ang mga anibersaryo, holiday at kaarawan na magsimula ng mga alaala ng nakalipas na masasayang panahon. Ipinapaalaala ng mga ito sa mga naulila, nang masakit kung minsan, na ang iyong mahal sa buhay ay wala na rito ngayong taon.
Ngunit makapagbibigay rin ang mga espesyal na araw ng mga pagkakataon na alalahanin ang masasayang panahon na minsang naibahagi sa mga mahal sa buhay. Nagbibigay ang mga ito ng pagkakataon na isipin iyon, pag-usapan o gumawa ng mga aksyon na nagpaparangal sa isang tao na patuloy na nagiging espesyal at mahalaga. Lumilikha ang mga ito ng mga okasyon upang imbitahin ang iba na sumali sa iyong proseso ng paggunita.
Walang isang "tamang paraan" upang igalang ang isang holiday, anibersaryo o espesyal na araw. Bawat tao, bawat alaala ay espesyal. Isaalang-alang ang iyong mga pagpipilian at pumili ng mga aktibidad na pinakamakahulugan sa iyo at sa mga alaala na gusto mong igalang sa ngalan ng iyong mahal sa buhay.
Magsimula Sa Pamamagitan Ng Pagtatanong:
- Ano-anong resulta ang nanaisin ko? Ano ang inaasahan kong maranasan o ipahayag?
- Anu-anong alaala o pinahahalagahan ng aking mahal sa buhay ang aking pararangalan? Anu-anong damdamin ang aking ipapahayag?
- Gagawin ko ba ito nang pribado? Sasabihin sa iba kinalaunan? Iimbitahin ang iba sa isang kaganapan?
- Ito ba ay magiging nag-iisang kaganapan o bahagi ng isa pang kaganapan? Saan? Kailan?
- Paplanuhin o kusa? Magsasangkot ba ito ng impormal na pagbabahagi, pagbasa, simbolikong aksyon o iba pang bagay?
- Magreresulta ba ito sa isang bagay na nahahawakan, tulad ng pag-aalay o isang bantayog, donasyon, pondo o serbisyo sa komunidad bilang parangal sa isang mahal sa buhay?
Isaalang-alang Ang Hanay ng mga Ideya...at Pumili nang Personal:
- Magsindi ng memorial candle sa mesa o nang ilang oras sa espesyal na araw.
- Magplano ng selebrasyon ng pag-alala kasama ang pamilya o mga kaibigan. Magpalitan ng mga kwento tungkol sa iyong mahal sa buhay. Ihain ang kanyang mga paboritong pagkain. Magbahagi ng isang toast.
- Gumawa ng mga kopya at i-frame ang (mga) paboritong litrato ng iyong mahal sa buhay para panregalo sa pamilya.
- Gumawa ng listahan ng lahat ng paraan na pinasagana ang iyong buhay ng iyong mahal sa buhay at patuloy na nakakaimpluwensya sa iyo.
- Bisitahin ang mga paboritong lugar at namnamin ang mga alaala na pinagsaluhan mo at ng iyong mahal sa buhay.
- Gumawa ng isang bagay na na-enjoy ng iyong mahal sa buhay: Dumalo sa isang play, concert, theme park o baseball game.
- Magtanim ng puno, ihandog ang isang bantayog na brick o upuan sa park sa ngalan ng iyong mahal sa buhay.
- Lumikha ng isang bagay: isang kubrekama o teddy bear mula sa mga paboritong damit ng iyong mahal sa buhay.
- Gumawa ng hardin o mag-set up ng pakainan ng ibon sa paboritong lugar ng iyong mahal sa buhay.
- Magsaayos ng pag-alala sa iyong mahal sa buhay sa isang Misa o iba pang serbisyong panrelihiyon.
- Mag-abuloy ng mga bulaklak/halaman sa inyong simbahan, sinagoga o lugar ng pagsamba bilang parangal sa iyong mahal sa buhay.
- Mag-abuloy ng mga bagay o materyal na gagamitin sa pagsamba o edukasyon sa ngalan ng iyong mahal sa buhay.
- Mag-set up ng memorial scholarhip o pondo bilang parangal sa iyong mahal sa buhay.
- Mag-abuloy sa paboritong kawanggawa ng iyong mahal sa buhay.
- I-volunteer ang oras mo sa isang taong nangangailangan o sa isang organisasyon bilang parangal sa iyong mahal sa buhay.
- Bumisita/magdala ng mga bulaklak sa libingan.
Piliin kung ano ang sa pakiramdam mo ay tama upang alalahanin ang isang espesyal na kaarawan, anibersaryo o holiday bilang parangal sa iyong mahal sa buhay. Bagama't wala na rito ang taong iyon, tandaan na patuloy siyang gumagawa ng pagkakaiba sa iyong buhay.