Kayahin ang Pangungulila Sa Piyesta Opisyal
Samahan kami para sa isang espesyal na kaganapan ng pangungulila sa kapaskuhan:
- "Sino ang magluluto ng pabo sa taong ito? Si lolo parati ang gumagawa noon..."
- "Wala akong lakas o pagnanais na mamili, palamutihan o bisitahin ang iba ngayong Pasko."
- "Gusto ko lang burahin ang Chanukah ngayong taon. Talaga lang wala akong maramdaman para magdiwang kung wala ang aking asawa."
Maaaring maging napakahirap na piyesta opisyal ang Thanksgiving, Pasko, Chanukah, Ramadan, Kwanza at New Year's Day para sa mga taong nakaranas ng pagkamatay ng isang mahal sa buhay.
Laging nagsisilbing mga ala-ala ng pagkawala ang memorya. Habang pinapanood ang iba na magdiwang ay maaaring maging masakit at labis. Lalo na sa unang taon pagkatapos ng kamatayan, dapat malaman ng mga nakaligtas kung paano bumuo ng mga bagong ritwal at tradisyon ng holiday.
Ang unang hakbang upang kayanin ang pangungulila sa piyesta opisyal ay tanggapin na ang unang holiday season ay mahirap. Maaari kang maghanda rito sa pamamagitan ng paggawa ng mga tiyak na plano at makakuha ng suportang kailangan mo. Alalahanin din, na kung minsan ang pag-abang sa isang pista opisyal ay maaaring maging mas mahirap kaysa sa mismong araw.
Mga Ilang Tip para Kayanin ang Pangungulila sa Pista Opisyal
Magtakda ng makatotohanang mga inaasahan para sa iyong sarili. Paalalahanan ang iyong sarili na ang taong ito ay naiiba. Magpasya kung maaari mo pa ring mahawakan ang mga nakaraang responsibilidad at inaasahan. Suriin ang mga gawain at kaganapan ng pagdiriwang at tanungin ang iyong sarili kung nais mong ipagpatuloy ang mga ito. Tanggapin ang alok ng iba na magluto, mamimili, magpalamuti, atbp. Isaalang-alang ang pamimili sa pamamagitan ng telepono, Internet o katalogo sa taong ito kung sa tingin mo ay kailangang iwasan ang karamihan ng tao o mga alaala.
Palibutan ang iyong sarili ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa iyo. Ibahagi ang iyong mga plano sa pamilya at mga kaibigan at ipaalam sa kanila ang mga pagbabago sa mga gawain sa pista opisyal. Kung minsan ang mga ala-ala ay maaaring mapagkunan ng comfort ng mga naulila, kaya ibahagi ang mga ito sa pamamagitan ng pagsasabi sa mga kwento at pagtingin sa mga photo album.
Sa kabila ng tukso, subukang iwasang "kanselahin" ang piyesta opisyal. OK na maiwasan ang ilang mga pangyayari na sa tingin mo ay hindi mo kayang hawakan, ngunit huwag ihiwalay ang iyong sarili. Maglaan ng kaunting oras para sa pag-iisa, pag-alala at pagdadalamhati, ngunit balansehin ito sa nakaplanong mga aktibidad sa lipunan.
Pahintuluan ang iyong sarili na makaramdam ng kagalakan, kalungkutan, galit - pahintulutan ang iyong sarili na magdalamhati. Mahalagang kilalanin na ang bawat miyembro ng pamilya ay may kanya-kanyang natatanging karanasan sa pangungulila. Walang isang paraan ang tama o mali. Ang pagdanas ng kagalakan at pagtawa sa oras ng pangungulila ay hindi nangangahulugang nakalimutan mo ang iyong mahal sa buhay.
Kumuha ng comfort mula sa paggawa para sa iba. Isaalang-alang ang pagbibigay ng donasyon o regalo bilang ala-ala ng iyong mahal sa buhay. Anyayahan ang isang panauhin na baka mag-isa lang siya sa pista opisyal. Mag-ampon ng nangangailangang pamilya sa kapaskuhan.
Alagaang mabuti ang iyong sarili. Iwasan ang pag-inom ng alak upang pagalingin ang iyong kalooban. Subukang iwasan ang pagmamadali at pagiging abala sa kapaskuhan. Ang pisikal na ehersisyo ay madalas na isang antidote para sa depression. Ang pagsulat sa isang journal ay maaaring maging mahusay na outlet para sa iyong pangungulila. Bigyan ang iyong sarili ng pahintulot na bumili ng bagay na walang kabuluhan at mapagpalayaw, dahil gusto mo.
Gumawa ng isang bagong tradisyon o ritwal na akma sa iyong kasalukuyang sitwasyon. Ang ilang mga tao ay nakakatagpo ng comfort sa pamamagitan ng paggalang sa mga tradisyon, habang ang iba ay labis ang sakit na nararamdaman dito. Talakayin sa iyong pamilya ang mga aktibidad na nais mong isama o ibukod sa taong ito. Ang ilang halimbawa ng mga bagong ritwal at tradisyon ay kinabibilangan ng:
- I-anunsyo muna na ibang tao ang maghihiwa sa pabo.
- Lumikha ng memory box. Punan ito ng mga larawan ng iyong mahal sa buhay o ala-ala ng tala mula sa mga kapamilya at kaibigan. Hilingin sa mga bata na magbigay ng mga drawing sa memory box.
- Gumawa ng pandekorasyong kubrekama gamit ang mga paboritong kulay, simbolo, larawan o piraso ng damit/tela na nagpapaalala sa iyo sa taong namatay.
- Magsindi ng kandila bilang paggalang sa iyong mahal sa buhay.
- Maglagay ng palumpon ng mga bulaklak sa iyong lamesa ng pagdiwang bilang ala-ala ng iyong mahal sa buhay.
- Bisitahin ang sementeryo at palamutihan ang memorial site.
- Magkaroon ng isang sandali ng katahimikan sa panahon ng holiday toast upang parangalan ang iyong minamahal.
- Maglagay ng isang dekorasyon ng paggunita sa Christmas tree.
- Magtalaga ng isa sa mga kandila ng Chanukah bilang ala-ala ng iyong mahal sa buhay.
- Sumulat ng tula tungkol sa iyong mahal sa buhay at basahin ito sa panahon ng isang ritwal sa piyesta opisyal.
- Patugtugin ang paboritong musika o paboritong kanta ng iyong mahal.
- Iluto ang gustong pagkain ng iyong mahal sa buhay.
Ang pinakamahalagang dapat tandaan ay walang tama o maling paraan upang ipagdiwang ang kapaskuhan pagkatapos ng pagkamatay ng isang mahal sa buhay. Ang pinakamahusay na mekanismo upang makayanan ang unang kapaskuhan ay ang magplano nang maaga, makakuha ng suporta mula sa iba at mag-relaks.
Mga Libro sa Pangungulila at Pista Opisyal
James Miller, How Will I Get Through the Holidays? Twelve Ideas for Those Whose Loved One Has Died
Drs. Clarence Tucker and Cliff Davis, Holiday Blues-A Self-Help Manual on Grief Through the Holidays