Isang Araw na Wala si Dad: Pagkaya sa Pagkawala ng Mahal sa Buhay sa Father's Day

Ang Father's Day ay isang panahon upang ipagdiwang at kilalanin ang ating mga ama at itinuturing na ama. Gayunpaman, maaaring maging isang masakit sa damdamin na holiday kung ang iyong ama ay pumanaw na.

Ang pagkamatay ng magulang ay ang pinakakaraniwang anyo ng pangungulila sa pagpanaw ng tao sa Estados Unidos. Kahit na nararamdaman mong mainam mong nakakaya ang pagkamatay ng iyong ama, maaaring partikular na maging mahirap ang mga holiday. Narito ang ilang mungkahi upang matulungan kang pangasiwaan ang pagkawala ng mahal sa buhay habang pinararangalan ang iyong ama.

Alalahanin ang Iyong Ama

Ang pagnanais na alalahanin yaong mga yumao, maaaring sa paglikha ng bantayog o plake ng pag-alala, ay bahagi ng katangian ng tao. Matutulungan ka ng mga pag-alaala na pangasiwaan ang iyong pangungulila at kalungkutan sa pamamagitan ng pagsisilbi bilang mga pangmatagalang pagkilala, mga pisikal na simbolo ng patuloy na presensya ng isang mahal sa buhay.  Maaari mo ring ipagdiwang ang buhay ng iyong ama sa pamamagitan ng:

  • Pag-aabuloy sa isang kawanggawa sa kanyang pangalan o pagboboluntaryo para sa kanya
  • Pagtatanim ng puno o paggawa ng hardin ng alaala
  • Pagdisenyo ng espesyal na lapida
  • Paggawa ng aklat ng alaala

Pagkilala sa Holiday

Halos imposible na maiwasan ang mga display sa tindahan na nagtataguyod ng Father's Day, mga anunsiyo sa TV na nang-aakit na bumili ng mga regalo para kay Dad at mga chat sa social media tungkol sa mga plano ng mga tao at pagdiriwang. Sa pagkilala sa holiday, tinutulungan mo ang sarili mo na maging handa ang emosyon para dito, na kung saan ay makatutulong na itaguyod ang malusog na paghilom.

Halimbawa, ang pagbili ng card, ito man ay nakakatuwa o taos-puso, ay nagbibigay-daan sa iyo na ipagdiwang ang holiday para sa kanyang alaala. Maaari mo ring matagpuan ang pagsasara sa pamamagitan ng pagsulat sa card tungkol sa anumang hindi natapos na problema na maaaring nagkaroon ka sa iyong ama. Tingnan sa mga photo album ang mga litrato ng iyong ama na magpapaalala sa masasayang panahon at magpapangiti sa iyo.

Kung nalulungkot ka, huwag mong isipin na kailangan mong isaisantabi ang iyong pangungulila para sa holiday. Ang pagdadalamhati ay isang indibidwal na proseso at walang tamang paraan o tamang dami ng oras para magdalamhati. Kung hindi ka sigurado kung handa ka nang magdiwang ng Father's Day, mainam na kilalanin ang araw nang hindi sumasali rito.

Humingi ng Suporta

Bagama't maaari mong isipin na gusto mong mapag-isa, maaaring mas masama ang iyong maramdaman sa pag-iisa mo sa Father's Day. Subukang gugulin ang araw, o bahagi nito, kasama ang isang tao na nagmamahal sa iyo. Maghapunan kasama ang mga kaibigan, manood ng sine kasama ang mga miyembro ng pamilya, o humanap ng pulong ng grupo sa pangungulila sa pagpanaw ng tao na dadaluhan sa araw ng Linggo. Itanong sa ibang miyembro kung paano nila nakayanan. Hindi mo lang gugugulin ang panahon kasama ang mga taong nakakaintindi kung ano ang pinagdaraanan mo, maaari ka ring matuto ng mga kapakipakinabang na kakayahan sa pagtitiis.

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.