Hindi Hinahayaan ng mga Kaibigan na Mangulila ang Kapwa Kaibigan
Kapag Nagdurusa sa Pagkawala ang Isang Kaibigan
Kapag naranasan ng iyong malalapit na kaibigan ang pagkamatay ng mahal sa buhay, madalas na kailangan nila ang iyong pagkakaibigan at pakikiramay kaysa sa dati. Ngunit ang terminal diagnosis o kamatayan kung minsan ay nagiging sanhi para sa malalapit na kaibigan at maging ang mga miyembro ng pamilya na malayo sa mga taong malapit sila, marahil sa takot na sabihin o gumawa ng maling bagay o dala ng pakiramdam ng kakulangan sa ginhawa sa pagharap sa malubhang karamdaman o pangungulila.
Ang takot at kawalan ng katiyakan ay humahadlang sa maraming makahulugang pakikipag-ugnay na maaaring magkaroon-at dapat na maganap sa pagitan ng mga kaibigan.
Ipinapakita ang Suporta para sa Iyong Kaibigan
Ang ilang mga napaka-simpleng hakbang ay makatutulong sa iyo na matulungan ang isang kaibigang nagdusa sa pagkawala. Isaalang-alang ang mga sumusunod na mungkahi bilang isang roadmap kung paano gawin ang tamang bagay at maging isang best friend kapag kinakailangan.
1. Makilahok Kung ang iyong pagkakaibigan ay mahalaga bago nagkaroon ng pagkakasakit o kamatayan, tanggapin na magiging napakahalaga nito sa panahon ng krisis. Huwag ipagpalagay na magiging isang pasanin ang iyong presensya. Ang iyong kaibigan (o pamilya ng iyong kaibigan) ay magkakaroon ng mga sandali kung saan kailangan ang pagkapribado, ngunit ang krisis ay hindi oras para sa paghihiwalay. Tumawag upang mangamusta o upang magpahayag ng taimtim na pakikiramay. Sumulat ng isang friendly note o magpadala ng isang kard ng pakikiramay. Ialok ang iyong tahimik at mapagsuportang pagdalo upang mapagaan ang kanilang kalooban. Sa pamamagitan ng presensya, ipinaaalam mo sa kanila na minamahal sila, ang mensaheng kailangan nilang matanggap.
2. Makinig. Ipagbigay-alam sa mga kaibigan na ang kanilang mga emosyon ay ligtas sa iyo. Kailangan nilang magsalita nang malaya tungkol sa magkasalungat na mga kaisipan nang hindi nagagambala o pinangangaralan. Bigyan sila ng kasiguruhan, dahil sa sitwasyon, na ang kanilang mga damdamin ay normal at nakikiramay ka sa kanilang sakit. Iwasan ang paggamit ng mga bukambibig tulad ng, "Alam ko kung ano ang nararamdaman mo," o "Lumingon ka sa positibo." Maaaring makadagdag ang mga bukambibig na ito sa nararamdaman nilang sakit at baka mapalayo ang loob nila. Sa halip, gumamit ng open-ended na mapagmahal at mapag-unawang mga pahayag, tulad ng "Mahirap nga talaga ito" o "Nalulungkot din ako sa pinagdaraanan mo." Hayaan mong magsalita ang iyong kaibigan.
3. Kumilos. Pag-aralan ang sitwasyon at mag-isip ng mga tiyak na paraan para makatulong. Sa halip na sabihin, "Sabihin mo sa akin kung paano ako makakatulong," sabihin ang, "Babantayan ko ang mga bata habang ginagawa mo ang pag-aayos sa libing." Mag-alok na sunduin ang mga out-of-town na bisita mula sa airport. Mag-organisa ng grupo ng mga kapitbahay o kaibigan na handang magluto ng pagkain, maglaba o malignis ng bahay sa iba't ibang araw ng linggo. Mag-alok na gumawa ng mga pagtawag o i-alok ang sarili sa mga iuutos. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga tiyak na mungkahi, nakakatulong ka sa pagpawi ng ilan sa mga karaniwang stressor na nauugnay sa sakit at kamatayan.
4. Magmuni-muni. Suriin ang mga nagawa ng taong namatay. Tama lang at nakakapagbigay parangal kung paano naantig ng taong ito ang iyong buhay. Magbahagi ng mga espesyal na alaala na nagbibigay ginhawa sa mga nakaligtas at patunayan ang halaga ng buhay ng kanilang mahal sa buhay.
5. Makipag-ugnayan. Patuloy na makipag-ugnayan sa iyong kaibigan, kahit na tatlo o anim na buwan pa katagal pagkatapos ng pagkawala. Tumawag o daanan siya para mabisita. Magmungkahi na magkita-kita sa pista opisyal o sa mga espesyal na anibersaryo, mag-abot ng imbitasyon sa hapunan o simpleng mag-alok ng tasa ng kape para magkita.
Oo, maaaring tanggihan ang iyong mga alok, depende sa kung anong uri ng araw ang nararanasan ng iyong kaibigan, ngunit huwag hayaang makahadlang iyon sa iyo na ipakita ang iyong suporta sa ibang pagkakataon. Habambuhay maaalala ng iyong kaibigan nang may pasasalamat kung paano ka hindi nahiyang bigyan siya ng comfort.