Ano ang Dapat Kong Asahan habang Ako ay Nagdadalamhati
Ang Panahon ng Pagdadalamhati
Karamihan sa atin ay hindi handa sa napakalaking pangungulila na nararamdaman natin matapos ang malaking pagkawala ng mahal sa buhay. Kung minsan hindi makatotohanan ang ating mga inaasahan kung kailan tayo "maghihilom". Napakadalas, nakatatanggap tayo ng hindi sapat na pagkaunawa at tulong mula sa lipunan-at maging mula sa ating sariling mga kaibigan at pamilya, sa kabila ng pinakamabuting mga intensyon.
Nag-iiba-iba ang ating pagtugon sa pangungulila depende sa kahulugan na ginagawa natin sa ating pagdadalamhati, ating mga sariling personal na katangian, ang naging uri ng kamatayan, ang dami at kalidad ng ating suporta ng lipunan at ang ating pisikal na kalagayan sa pangkalahatan.
Narito ang ilan sa mga paraan na maaari kang masorpresa dahil sa pangungulila:
- Maaaring mas magtagal ang pangungulila kaysa sa iniisip mo.
- Maaaring mangailangan ng higit na enerhiya ang iyong pangungulila kaysa sa iniisip mo.
- Maaaring magsangkot ang iyong pangungulila ng maraming personal na pagbabago at maaaring patuloy na magbago.
- Maaaring magpakita mismo ang pangungulila sa lahat ng kalagayan ng iyong buhay-psychological, panlipunan, pisikal, espiritwal, atbp.
- Maaaring kasama sa iyong pangungulila ang mga hindi inaasahang pakiramdam tulad ng pagkagalit, pagkakasala, pagkamayamutin, pagkabigo, pagkainis at pagkatakot.
- Maaari kang magdalamhati para sa mga bagay na parehong makahulugan at nahahawakan, hindi lang para sa kamatayan lamang.
- Maaari kang magdalamhati para sa nawala sa iyo pati na para sa mga pag-asa, pangarap at plano na mayroon ka para sa kinabukasan.
- Maaari kang makaranas ng matindi at hindi inaasahang mga pagbugso ng pangungulila na maaaring sinimulan ng ilang partikular na petsa, kaganapan o pagpukaw.
- Maaari mong maramdaman na para kang mababaliw.
- Maaari kang mahumaling sa kamatayan at abala sa pumanaw.
- Maaari mong matagpuan ang sarili mo na naghahanap ng kahulugan at tinatanong ang iyong mga relihiyoso o pilosopikal na paniniwala.
- Maaari kang magkaroon ng pisikal na reaksyon sa pangungulila na hindi mo inaasahan.
- Maaari kang malito tungkol sa kung sino ka at maaaring makaranas ng mababang pagpapahalaga sa sarili.
- Maaari kang mahirapang mag-isip at magdesisyon.
- Maaari mong matagpuan na ang kasalukuyan mong pagkawala ng mahal sa buhay ay muling binuhay ang dating damdamin na may kaugnayan sa hindi nalutas na mga pagkawala mula sa nakalipas.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga reaksyon na iniuulat ng mga nagdadalamhati matapos ang malaking pagkawala. Maaaring iba ang iyong karanasan at mga reaksyon. Ang mahalaga ay alam mo na ang iyong mga pagtugon ay karaniwan at na ang pagbabahagi sa mga ito sa ibang tao ay maaaring makabawas sa epekto ng mga ito kung minsan.
Kung sa pakiramdam mo ay hindi mo malimutan ang iyong mga pakiramdam ng galit o pagkakasala, o tila hindi maihinto ang pag-iyak, at kung sa palagay mo na ang propesyonal na tulong ay maaaring makatulong sa iyo na mas bumuti ang pakiramdam, maaaring tama ka. Tawagan ang iyong doktor, mental health plan, counselor o therapist, ang iyong faith leader o sinuman na angkop sa iyo. O tumawag sa lokal na hospice at hingin na makipag-usap sa isang propesyonal sa pangungulila sa pagpanaw ng tao.
Kagaya ng karamihang bagay sa buhay, kapag mas mahusay mong naiintindihan ang panahon ng pagdadalamhati, mas matagumpay mong makakayanan ang mga pagkakaiba sa pagitan ng iyong mga inaasahan at katotohanan.