Walang Tama o Mali Kapag ang Pag-uusapan ay Pangungulila
'Pakiramdam Ko'y Galit at May Kasalanan'
"Parating masama ang pakiramdam ko simula nung namatay ang nanay ko, pero hindi ako makapunta sa grupo ng suporta sa pangungulila; sa palagay ko ay hindi nila ako makakasundo doon. Parati akong pinipintasan ng nanay ko sa buong buhay ko. Sinubukan ko siyang pasayahin, pero hindi iyon nakatulong. Pero kahit ganoon pa rin, inaalagaan ko siya noong may sakit siya, dahil sa palagay ko'y obligasyon ko iyon.
"Noong namatay siya, ginhawa ang tunay kong naramdamam. At pagkatapos noon, ibang mga pakiramdam ang nagsimulang sumipot. Nagalit ako sa kanya dahil sa pagtrato niya sa akin sa lahat ng mga taon na iyon! Pagkatapos ang pakiramdam ko'y ako ang may kasalanan dahil hindi ko naitama ang relasyon naming dalawa. Nitong mga huling panahon, ang pakiramdam ko'y parang may isang malaking itim na butas na bumukas at nakapaligid na ito ngayon sa akin at hindi ako sigurado kung papaano ako makakalabas.
"Akala ko gaganda ang pakiramdam ko pagkatapos niyang mamatay. Ngayon, ang pakiramdam ko'y bakante at puno ng kahihiyan. Gusto ko sanang pumunta sa isang grupo ng suporta sa pangungulila at magasalita, pero natatakot akong marinig kung gaano kaganda at kababait nung mga ibang nanay at kaya mas lalo lang sasama ang loob ko."
Ang pangungulila ay napakahirap kapag nawalan ka ng isang tao na malapit sa iyo. Ngunit maaari itong mas mahirap kung ang iyong relasyon sa taong namatay ay may problema o, mas masama pa, lubos na naputol. Maaaring ihiwalay mo ang iyong sarili sa iba, natatakot kang ibahagi ang mga saklaw ng emosyon na nararamdaman mo.
- Marahil ay sa tingin mo'y may kasalanan ka dahil humiling ka ng ginhawa sa pag-aalaga.
- Maaaring hindi alam ng ibang tao ang relasyon ninyong dalawa, at hindi mo masabi ito sa kanila.
- Baka nagbago na siya simula noon kung ikukumpara sa tao na dati mong kilala.
- Baka mas mabuti ang pag-aasal niya sa harap ng ibang tao kung ikukumpara sa panahon na kayong dalawa ay mag-isa.
- Marahil ay pabago-bago ang ugali niya, sumpungin, mahirap pasiyahin, o magagalitin at parating maraming hinihingi o iniuutos.
- Baka siya ay abusado sa pananalita/ng emosyon o pisikal na mapagbanta.
- Baka napakatagal mo nang itinatago ang tunay na nangyayari at ngayon ay imposible nang sabihin ang katotohanan.
Ang Iyong Pangungulila ay Tama para sa Iyo
Kung masama na nga ang sitwasyon noon, iniisip mo, bakit hindi bumubuti ang pakiramdam ko ngayon? Bakit hindi mo na lang maiwanan ang nakaraan sa likod mo at magsimula nang magsaya para sa hinaharap? Nakalimutan mo na ba kung papaano magsaya-o hindi mo kailanmnan natutuhan o naranasan ito?
- Baka naman nasanay ka nang masyado sa pag-aalaga at ngayon ay hindi mo na alam ang gagawin mo sa sarili mo.
- Marahil iniisip mo na baka puwede mong mai-tama ang sitwasyon sa tulong ng mga tamang hakbang o pagkakataon. Pero ngayon huli na ang lahat-at natatakot ka na wala ka nang pagkakataon na mai-tama ito!
- Baka naman malungkot ka dahil hindi mo naranasan ang karanasan na ninanais mo; ngayon ay nag-aalala ka na nawalan ka na ng pag-asa.
- Baka sobra ang iyong pagkagalit sa kung papaano natapos ang lahat at ngayon ay hindi mo na basta-basta matalikuran "ang nakaraan" at masiyahan sa anumang bagong karanasan.
Walang tao na lubos na kumportable sa pangungulila. Maaaring parang nahihiya ka sa sarili mo o iniisp na "hindi tama" ang ginagawa mo. Kahit na hindi kumportable, kinakailangan mong magtiwala na ang iyong pangungulila ay lubos na katugma para sa iyo: ang iyong kasaysayan, ang iyong personalidad, ang iyong relasyon sa taong namatay at ang mga kalagayan.
Walang isang isang bagay na pwede para sa lahat…wala kailanman! Kung sa pangkalahatan ang inyong relasyon ay mabuti, ang iyong pangungulila ay hinuhubog base sa iyong nakaraan at ng kung ano ang iyong hindi na nararanasan ngayon. Kung ang inyong relasyon ay magulo, ang iyong pangungulila ay hinuhubog base sa kung ano ang iyong ninanais pero hindi kailanman nakamit. Posible na ang iyong maaring mas nararamdaman ay pagkalito at magkakasalungat na emosyon kaysa sa simpleng kalungkutan.
Hindi nito ibig sabihin na may bagay na mali sa iyo o sa iyong pangungulila. Kahit na kung ang iyong pangungulila ay kakaiba man, pangungulila pa rin ito, at mayroon kang karapatan na mangulila. Mayroon kang karapatan na bumuti ang nararamdaman sa kalaunan.
Ang pinakamahalagang bagay na maaari mong gawin ay maging makatotohanan sa iyong sarili at sa ibang tao tungkol sa kung ano ang iyong nararamdaman. Walang tama o maling paraan para mangulila at walang tamang tagal ng panahon. Ipinapahayag ng pangungulila ang kanyang sarili sa maraming personal na mga pamamaraan.