Mga Praktikal na Gawain Pagkatapos ng Kamatayan ng Isang Minamahal

Tulong Mula sa Aming Hospice Team

Pagkatapos ng kamatayan ng isang minamahal, ang mga pamilya ay hinaharap ng mga biglaang pagbabago at isang nakakalitong dami ng mga dapat asikasuhin para maisakatuparan ang mga karaniwang kinakailangang gawin pagkamatay ng isang tao. Ito ay isang napakahirap na kaganapan, na napaliligiran ng kalungkutan at paggawa ng desisyon. Ang paghanap ng mahahalagang dokumento ay parang isang napakalaking gawain.

Ang mga pasyente ng hospice at ang kanilang mga pamilya ay may benepisyo ng pagtanggap ng tulong mula sa aming hospice team matapos na maganap ang kamatayan. Ang mga miyembro ng hospice team ay makakatulong sa mga detalye, kabilang ang pagtawag sa funeral home, pag-kolekta ng mga kinakailangang dokumento (iyon ay, death certificate, will, mga insurance policy, mga discharge paper ng beterano, atbp.), pagsagot ng mga tawag, paghahanda ng libing para sa militar at pagbibigay ng tulong sa iba pang mga kinakailangang bagay.

Narito ang listahan ng mga bagay na karaniwang kinakailangang gawin pagkatapos ng kamatayan:

Sa maiksing panahon pagkatapos ng kamatayan, sabihan ang:

  • (Mga) doktor
  • Funeral director o mortuary
  • Mga kamag-anak
  • Mga kaibigan
  • Pinagtatrabahuhan ng namatay
  • Pinagtatrabahuhan ng mga kamag-anak (upang makakuha ng bereavement leave)
  • Mga ahente ng insurance (life, health, atbp.), abogado ng pamilya
  • Mga organisasyon (relihiyoso, pambayan, atbp.)
  • Mga pahayagan para sa obituary

Sa maiksing panahon pagkatapos ng kamatayan, isaayos ang:

  • Paglilibing o memorial service
    • Militar o hindi militar
    • Kinalalagyan ng serbisyo
    • Mga bulaklak, tugtugin
    • Pari o isang hindi na-ordenahan na tao para mamahala
    • Impormasyon para sa eulogy
  • Mga pagsasaayos para sa libing o cremation
    • Makipagkita sa funeral director
    • Pag-aralan at pirmahan ang pahintulot sa pag-libing
    • Isaayos ang mga pagbisita
  • Pagsagot ng mga tawag, mensahe, liham (kung nais mo)
  • Kuhanin ang mga address para mapadalhan ng mga thank-you card (kung nais mo)
  • Pag-aralan ang will at tingnan kung mayroong mga natatanging kahilingan
  • Umorder ng hindi kukulangin sa 10 kopya ng death certificate

Ipunin ang mga mahahalagang impormasyon:

(Ang impormasyon sa ibaba tungkol sa namatay ay karaniwang kinakailangan ng board of health para sa isang burial permit.)

  • Pangalan, address sa bahay, numero ng telepono
  • Gaano katagal tumira sa kasalukuyang state
  • Pangalan ng negosyo, address, telepono
  • Trabaho at titulo
  • Social Security number
  • Serial number ng beterano
  • Petsa ng kapanganakan
  • U.S. citizenship
  • Pangalan ng ama
  • Lugar ng kapanganakan ng ama
  • Apelyido sa pagkadalaga ng ina (mother's maiden name)
  • Lugar ng kapanganakan ng ina
  • Relihiyosong pangalan (kung mayroon man)

Kolektahin ang mga dokumento

(Ang impormasyon na ito tungkol sa namatay ay karaniwang kinakailangan para sa insurance, pension, Social Security, atbp.)

  • Death certificate
  • Kasulatan para sa pag-aari ng libingan
  • Will
  • Legal na katunayan ng edad o birth certificate
  • Social Security card o numero
  • Lisensya ng pagpapakasal
  • Mga papeles ukol sa citizenship
  • Mga insurance policy (life, health, atbp.)
  • Mga account sa bangko
  • Mga papeles sa investment
  • Dokumento ng pag-aari ng ari-arian
  • Resibo ng pagbenta ng sasakyan
  • Mga income tax return, mga resibo
  • Mga tseke
  • Discharge certificate ng beterano
  • Mga claim para sa disability at pension

Ang pagpaplano ng libing para sa isang minamahal at ang pag-aasikaso ng lahat ng mga detalye ng kanilang buhay ay makapagbibigay-kahulugan ng kalutasan sa pamilya. Ngunit, oras na tapos na ang libing, mahalagang makilala na ang kalungkutan ay magpapatuloy. Nagbibigay ang VITAS ng suporta sa kalungkutan at pangungulila para sa mga pamilya nang hanggang sa 13 buwan pagkatapos mamatay ang isang minamahal.

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.