Papaano Muling Magkaroon ng Paniniwala sa Sarili Matapos Mawalan ng Minamahal
Nawalan ka ng isang minamahal-huwag mong hahayaang mawala rin ang iyong sarili.
Kapag ang tao ay nakaranas ng makabuluhang pagkawala, ito ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng paniniwala sa kanyang sarili, at dahil dito ay kailangan mong pulutin ang mga pira-piraso ng iyong sarili na nahulog sa lupa at magtangkang buuin na muli ang iyong sarili. Maaaring iniisip mo na dapat ay mas marami ka pang ibang nagawa upang mapigilan ang nangyari, na kung iisipin ay nabigo ka dahil hindi mo nailigtas ang iyong mahal sa buhay. Maaaring pakiramdam mo ay hindi ka kumpleto o "kulang" kapag wala ang iyong minamahal. Dahil sa kanya, ang pakiramdam mo ay ikaw ay natatangi at minamahal, at ngayon ay malamang hindi mo na mararanasan ang mga pakiramdam na iyon.
Limang Mungkahi Upang Makatulong Na Muling Magkaroon ng Paniniwala sa Sarili
Pahalagahan ang mga Relasyon
Pahalagahan ang mga iyong mga relasyon sa mga taong matapat sa iyo at pinaninindigan kung sino ka-ang mga kaibigan at kakilala na nakakatulong sa iyo na maging mas mabuti. Sa pangkalahatan, yung mga tao na nagtatangkang gumawa ng lubos na maraming mga bagay para sa iyo ay hindi rin naman nakakatulong sa iyo sa pangmatagalang batayan.
Itigil ang Iyong Pagsasabi ng mga Masasamang Bagay Tungkol sa Iyong Sarili
Ang malimit na pagmamaliit sa iyong sarili ay isang siguradong katibayan na mahina ang iyong paniniwala sa sarili: "Parating mali ang mga ginagawa ko!" Magtangkang gumawa ng isang listahan ng mga pananalita na nagpapahayag ng paniniwala sa sarili. Maaring kailangang sanayin ang iyong sarili sa paggawa nito, ngunit kapag napansin mo na ikaw ay nagkakaroon ng negatibong pag-iisip tungkol sa sarili, magtangkang palitan ito ng isang positibong pag-iisip.
Gumawa ng mga Bagong Aksyon
Nagsisimula ang paglago ng paniniwala sa sarili mula sa pag-iisip, paggawa ng desisyon at paglunsad ng aksyon, hindi mahalaga kung anuman ang iyong nararamdaman. Kahit na hindi maganda ang iyong pakiramdam tungkol sa iyong sarili, maaari kang gumawa ng desisyon na kumilos sa mga paraan na mabuti para sa iyo. Halimbawa, magpasya na mag-ehersisyo nang mas malimit dahil nararapat kang maging malusog. Kapag gumawa ka ng desisyon at pagkatapos ay sinunod mo ito, magiging mas mabuti ang iyong pakiramdam tungkol sa iyong sarili.
Ipahayag ang Iyong Sarili
Seryosohin mo ang iyong pagtrato sa iyong mga sariling naiisip, nararamdaman at kinagugustuhan -tulad rin ng kung papaano mo seryosong tinatrato ang mga ibang tao at pinakikinggan sila. Imbes na inihihiwalay mo ang iyong sarili sa ibang tao, sa halip ay sabihin mo sa kanila kung ano ang iyong iniisip, ano ang iyong nararamdaman, ano ang iyong ninanais. Kapag ginawa mo ito sa isang paraan na hindi nagbibintang o nang-aatake, kapwang lalakas ang iyong paniniwala sa sarili at pati na rin ang kanilang paniniwala sa iyo.
Tanggapin ang Sarili
Tandaan na walang tao na nakakagawa ng kahit man lang malapit sa perpekto, at paminsan-minsan ang buhay ay mahirap. Gusto nating lahat na gawin ang tama. Lahat tayo ay nagkakamali. Lahat tayo ay nararapat na magustuhan ang ating sarili-na maging ang ating sariling matalik na kaibigan.