Mga Damdamin at Reaksyon sa isang Malaking Pagkawala ng Mahal sa Buhay

Ang pangungulila ay isang mahalagang proseso na tumutulong sa isang indibidwal na mag-adjust sa isang pagkawala ng mahal sa buhay, isang normal na reaksyon sa pagkawala ng mahalagang tao o bagay sa iyong buhay. Walang nakasulat tungkol sa kung paano magdalamhati o gaano katagal magdalamhati, at lahat ay tumutugon sa pagkawala ng mahal sa buhay sa kanyang sariling bilis. Ngunit lahat ng taong nakakaranas ng malaking pagkawala ng mahal sa buhay ay may parehong saklaw ng karaniwang emosyon at damdamin, lahat ng ito ay normal.

Mga Damdaming Madalas Maranasan Habang Nagdadalamhati

Kalungkutan

  • Ang pinakakaraniwang reaksyon, ang kalungkutan ay ipinapakita kung minsan sa pamamagitan ng pag-iyak

Galit

  • Madalas na nararamdaman at madalas na isa sa mga pinakanakakalitong damdamin
  • Maaaring humantong ang hindi kinilalang galit sa kumplikadong pangungulila
  • Kapag ibinaling sa sarili, maaaring magdulot ang galit ng depresyon o mga pakiramdam na pagpapakamatay
  • Ang galit ay nagmumula sa dalawang pinang-gagalingan:
    • Pakiramdam ng pagkabigo na hindi napigilan ang pagkamatay
    • Isang reaksyon na pag-babalik o mas parang bata na reaksyon sa pag-kakaiwan
  • Maaaring sisihin ng isang nagdadalamhati ang ibang tao para sa pagkamatay upang maramdaman ang pagkawala o upang mapatunayan na maaari itong naiwasan

Pagkakasala

  • Madalas na iniuugnay ang pagkakasala sa isang bagay na nangyari o isang bagay na napabayaan sa panahon ng pagkamatay
  • Pagkabalisa

    • Kapag mas matindi at nagpapatuloy ang pagkabalisa, mas kailangan ang tulong mula sa labas para iproseso ang reaksyon sa pangungulila
    • Nagmumula ang pagkabalisa sa:
      • Takot na hindi maalagaan ang iyong sarili
      • Pagkabatid sa iyong tiyak na pagkamatay

    Pagkapagod

    • Madalas na nakikita ang pagkapagod at nararanasan bilang pagwawalang-bahala at kawalang-sigla

    Pagkabigla

    • Maaaring mangyari sa parehong biglaan at inaasahang mga pagkamatay

    Kalungkutan

    Kawalang-kakayahan

    Pananabik sa pumanaw na tao

    Kaginhawahan

    • Karaniwan kapag ang taong pumanaw ay naghirap bago ang pagkamatay
    • Maaaring sumunod sa pakiramdam ng kaginhawahan ang pagkakasala

    Pamamanhid

  • Kadalasang nangyayari ang kawalan ng mga pakiramdam ilang sandali matapos ang pagkamatay
  • Mga Pisikal na Pakiramdam na Madalas Maranasan Habang Nagdadalamhati

    • Kawalan ng laman na pakiramdam sa sikmura o kawalan ng gana sa pagkain
    • Paninikip sa dibdib o lalamunan
    • Pagkapagod, hindi makatulog
    • Sobrang sensitibo sa ingay o pagkamayamutin
    • Malalim at paulit-ulit na pagbubuntong-hininga
    • Pagiging Iyakin
    • Pangangapos ng paghinga, tuyong bibig, kakulangan ng lakas ng kalamnan

    Mga Saloobin na Madalas Maranasan Habang Nagdadalamhati

    Hindi paniniwala

    • Karaniwang reaksyon kapag unang nalaman ang pagkamatay ng isang mahal sa buhay
    • Pakiramdam na pagtalikod sa makataong damdamin (waring walang totoo)

    Pagkalito

    • Hirap tumutok
    • Kawalang-kakayahan na ayusin ang sariling mga saloobin

    Makakalimutin

    Pagiging abala

    • Laging nasa isip ang pumanaw at/o paano maibabalik ang taong pumanaw

    Mga guniguni (Pagkaramdam sa presensya ng taong pumanaw)

    • Nakikita at naririnig

    Mga Pag-uugali na Madalas Maranasan Habang Nagdadalamhati 

    • Pagbabago sa gana sa pagkain at mga pattern ng pagtulog
    • Pagkamalilimutin o di-mapalagay at sobrang abala
    • Pag-iwas na makisalamuha o pag-iwas sa mga bagay na nagpapaalaala sa taong pumanaw
    • Pananaghinip sa taong pumanaw
    • Paghahanap at pagtawag sa taong pumanaw
    • Pagbubuntong-hininga, pag-iyak, pagbisita sa mga lugar o pagdadala/pagpapahalaga sa mga gamit ng namatay

    Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

    MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

    Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.