Matagumpay na Paraan para Makaya ang Pagkabalisa Habang Nagdadalamhati

Ang pagkabalisa ay isang kalagayan ng pagkabahala o hindi mapalagay tungkol sa mga hindi siguradong mangyayari sa hinaharap. Ang nababalisang tao ay maaaring ninenerbiyos, hindi mapakali at/o hindi makapag-relax, hindi makatulog, hindi makapag-concentrate, nangangapos ang hininga o namamanhid. Maaaring matabunan ng mga pisikal na palatandaan na ito ang psychological na mga sintomas ng pagkatakot, pag-aalala o pagka-nerbiyos. Mga palatandaan:

  • Nahihirapang makalutas ng mga problema
  • Madaling ma-irita
  • Paninigas ng kalamnan
  • Nanginginig
  • Binabangungot
  • Kahirapan sa paghinga
  • Mahigpit na pakiramdam sa sikmura
  • Pakiramdam na "Nawawalan ako ng kontrol"

Paano Maiiwasan ang Pagkabalisa

  • Alamin ang mga katotohanan
  • Makipag-usap sa isang tao na nakaranas na ng isang kaparehong sitwasyon
  • Damihan ang beses ng mga pagsali sa kaaya-ayang, nakakalibang na mga aktibidad
  • Damihan ang pakikipagsama-sama at ang panahon na kasama ng mga kaibigan at pamilya
  • Pag-aralan ang paraan para makapag-relax

Mga Bagay na Isaalang-alang

  • Ang nababalisang tao ay kalimitang isang tao na maraming hininingi o ipinagagawa
  • Ang pagkabalisa ay maaaring humantong sa kawalan ng tulog
  • Kung noong dati ay matagumpay mong nakaya ang pagkabalisa sa pamamagitan ng pagiging busy pero ngayon ay hindi ka na kasing-aktibo, isaalang-alang ang paggamit ng iba pang mga pamamaraan para makaya ito

Anong Kailangang Gawin

  • Pagtangkaang malaman nang eksakto kung anong mga bagay na nasasaisip ang nagiging sanhi ng iyong pagkabalisa
  • Makipag-usap sa isang tao tungkol sa iyong mga alalahanin at mga kinatatakutan
  • Alamin na OK lang na malungkot at matakot
  • Humingi ng tulong sa pamamagitan ng counseling, mga support group, o isang ministro, pari o rabbi
  • Tandaan kung papaano mo matagumpay na nakaya ang mga pakiramdam na kapareho nito noong nakaraan
  • Siyasatin at alamin ang mga pamamaraan para makapag-relax
  • Siyasatin at alamin ang mga pamamaraan para makapag-vizualize
  • Gumamit ng journal at isulat ang iyong mga nararamdaman at mga nasasaisip sa buong araw
  • Inumin ang mga gamot na inireseta sa iyo ng inyong doktor para sa pagkabalisa

Sa pagtatapos, maaaring tanungin ng mga pamilya na nag-aalaga ng isang minamahal na nasa hospice care sa VITAS ang kanilang team manager o tagapangasiwa ng serbisyo sa pangungulila tungkol sa isang magandang aklat na inilathala ng VITAS. Pinag-uusapan nito ang pagkabalisa at pag-aalala na may kaugnayan sa karamdamang walang lunas. Ito ang sinabi ni Maureen Kramlinger, MA, CT, ang sumulat ng Making the Most of the Time We Have, sa kanyang panimula:

"Ang pagsasaalang-alang ng impormasyon at mga pagkakataon na pinag-uusapan sa mga susunod na pahina ay makakatulong sa iyo na mabawasan ang pakiramdam na ikaw ay mahina at nababalisa. Maiintindihan mo ang mga dahilan para sa mga pagbabago na iyong nakikita. Iyan ay makakatulong sa iyo na makipag-ugnayan sa iyong minamahal, makausap siya, at maging mas sigurado na iyong makikilala at matutugunan ang mga nagbabagong pangangailangan."

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.