Ano ang Dapat Sabihin Kapag ang Isang Bata ay Nagtanong Tungkol sa Kamatayan

Sabihin ang Totoo sa mga Bata

Kapag namatay ang isang minamahal, dapat sabihan ang mga bata kung ano ang nangyayari habang ito ay nagaganap. Dapat sabihin sa kanila ang totoo. Ang kanilang mga tanong ay dapat hikayatin at sagutin.

Ang mga sagot na iyon ay dapat tiyak, diretso at maiksi. Ang pananalita ay dapat katugma sa antas ng bata. Ayos lang na sabihin ng mga matatanda sa bata na hindi nila alam ang sagot sa isang tanong.

Ang impormasyon na kayang maunawaan ng mga bata ay karaniwang kau-kaunti lang tuwing isang panahon, kaya siguraduhing iyong binibigyan-pansin ang kanilang mga pahiwatig. Sa kalimitan ay paulit-ulit ang kanilang mga tanong at ito ay ang kanilang paraan para lubos na maintindihan ang mga sagot.

Pakikipag-usap sa mga Bata Tungkol sa Kamatayan

Tingnan kung naiintindihan ng bata kung ano ang napag-usapan pa lang. Ang mga matatanda na hindi sigurado kung ano ang pangunahing ideya na gustong malaman ng bata base sa kanyang mga pagtatanong ay dapat higit na magsiyasat pa sa pamamagitan ng pagtatanong sa bata kung ano ang kanyang ibig sabihin o kung ano ang kanyang alam tungkol sa paksa na inyong pinag-uusapan.

Bakit namatay sa Papa?

Mahalagang higit na magsiyasat pa upang malaman kung kanilang tinatanong ito dahil sila ay malungkot, galit o sinisisi ang kanilang sarili dahil sa pagkamatay. Kung gayon nga, lubos na mahalaga na mabigyan ang bata ng pagkakataon na kanyang maipahayag ang kanyang mga nasasaisip at nararamdaman. Dapat ay bigyan ng paniguro ang bata na mukhang hindi patas ang kamatayan. Ngunit maaari din naman na ang kanilang pagtatanong ay tungkol sa pisikal na pamamaraan ng kamatayan.

Kailan babalik si Nanay?

Ayos lang na sabihin sa kanila sa isang mahinahon at mapagmahal na paraan na ang mga tao na namatay ay hindi na babalik, na kahit gaano kalakas man nilang ninanais na bumalik ang kanilang Nanay, hindi na ito mangyayari dahil siya ay patay na. Pagka-minsan ay nakakatulong sa bata na kanilang malaman na maaari nilang mapanatili ang kanilang mga damdamin at alaala tungkol sa kanilang minamahal, at sa gayon ay ang kanilang minamahal ay magiging parating kasama pa rin nila. Maaari rin na makatulong sa kanila na kanilang malaman na hindi sila parating malulungkot tungkol sa pagkawala ng kanilang minamahal.

Nasaan na si Lolo ngayon?

Bago sagutin ang tanong na ito, makakatulong na malaman kung nasaan na sa kanilang palagay ang kanilang Lolo. Sa gayon, ang kasagutan ng matanda ay naka-base sa paniniwalang iyon. Kung naniniwala ang bata na ang kanyang Lolo ay nasa langit dahil ito ang espirituwal na paniniwala ng pamilya, kung gayon ang paniniwalang ito ay dapat kumpirmahin. Upang mabawasan ang pagkalito, maaaring makatulong na paalalahanan ang bata tungkol sa paglilibing-halimbawa, na ang kanilang minamahal ay inilagay sa isang kabaong sa ilalim ng lupa.

Mamamatay ka rin ba?

Mahalaga na habang sinasagot ang tanong na ito na hindi lamang magbigay ng paniguro at suporta, ngunit sagutin din pati ito nang totoo. Ang isang halimbawa ay, "Mamamatay ako sa hinaharap, pero sana naman ay naririto pa rin ako sa matagal pang panahon. Wala akong anumang seryosong karamdaman." Minsan, kapag tinatanong ng bata ang tanong na ito, natatakot sila na mawala na naman ang isa pang minamahal. Ang isang halimbawa ng paglilinaw na tanong ay maaaring, "Nag-aalala ka ba na mawawala ako at hindi na kita mapapangalagaan?"

Gaano ako katagal mabubuhay?

Ang isang maaaring kasagutan ay walang nakakaalam kung gaano sila katagal mabubuhay, pero walang tao na nabubuhay nang magpakailanman. Dapat ay bigyan ng paniguro ang bata na ang karamihan sa mga tao ay nabubuhay hanggang sa sila ay matanda na at marami sa mga matatanda ay hindi nag-aalala tungkol sa kamatayan.

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.