Tulungan ang mga Bata na Harapin ang mga Pampublikong Kapahamakan at Natural na Sakuna
Papaano Nakararanas ng Kapahamakan ang mga Bata
Tuwing may mga nangyayaring pampublikong kapahamakan o natural na sakuna, ang mga bata ay maaaring malito o matakot. Nais ng mga magulang na malaman ang pinakamabuting paraan upang makamit ang mga pangangailan ng bata.
Magkakaiba ang mga reaksyon ng bawat bata depende sa pag-uugali, kung gaano siya kalapit sa pangyayayri at ang personal na kasaysayan ng bata. Gayunpaman, nakakatulong na magkaroon ng isang pangunahin na pagkakaintindi kung papaano nararanasan ng mga bata ang mga natural na sakuna at mga publikong kapahamakan, at kung papaano lubos na epektibong makapamamagitan ang mga magulang at tagapag-alaga.
Ipinaliliwanag ng Federal Emergency Management Agency (FEMA) na pagkatapos ng isang kalamidad, ang mga lubos na kinatatakutan ng mga bata ay:
- Na mangyayari ulit ang kaganapan.
- Na may masasaktan o mamamatay.
- Na mapapahiwalay sila sa kanilang pamilya.
-
Na maiiwanan sila nang mag-isa.
Narito ang ilan sa mga karaniwang paraan na ang mga bata ay tumutugon sa isang publikong kapahamakan o natural na sakuna. Paki-tandaan lamang na kung gaano katindi at gaano kalakas ang pagtugon ay lubos na nakasalalay sa kung gaano direktang naapektuhan ang bata ng pangyayari:
- Nababalisa o natatakot
- Natatakot na maging mag-isa
- Hindi maipaliwanag na pagkagalit
- Magulong paglalaro
- Malimit at madaling umiyak
- Hindi makapag-concentrate
- Kawalan ng tulog
- Kawalan ng ganang kumain o iba pang mga pagkagambala sa pagkain
- Mas maraming mga pisikal na reklamo o karamdaman
- Mas bata ang pag-aasal, marahil ay bumabalik sa dating nadaanan nang yugto ng kanyang pag-laki
- Pagbaba sa kalidad ng kanyang nagagawa sa paaralan o tumatanggi/nag-aatubili na pumasok sa paaralan
Magtaguyod ng Isang Pakiramdam ng Kaligtasan
Ginagamit ng mga bata ang mga ginagawa ng mga matatanda na mahalaga sa kanilang buhay bilang pahiwatig kung papaano tutugon. Ang pinakamahalagang bagay na maaaring magawa ng mga matatanda upang matulungan ang mga bata ay magtaguyod ng isang pakiramdam ng kaligtasan at seguridad. Bilang karagdagan pa, matutulungan ng mga matatanda ang mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na harapin ang kanilang mga emosyon na may kaugnayan sa pangyayari. Ang mga matatanda ay dapat na:
- Manatiling kalmado at may kontrol, at iwasan ang pagpapakita ng itsura na natatakot o nababalisa.
- Dapat sabihin sa mga bata ang katotohanan tungkol sa kung anong nangyayari. Pag-usapan lamang ang mga katotohanan. Huwag isama ang iyong mga ipinapalagay na mangyayari at huwag masyadong matagal na pag-usapan ang pangyayari. Gumamit ng mga paliwanag na kaangkop-angkop sa kanilang yugto ng kaunawaan:
- Pre-school hanggang sa elementary: Panatiliing maiksi lamang at simple ang mga pagpapaliwanag. Magbigay ng mga pag-kumpirma sa bata tungkol sa kaligtasan, seguridad at patuloy na mga gawain.
- Middle school: Ipaliwanag kung ano ang mga ginagawa upang masiguro ang kanilang kaligtasan at seguridad. Tulungan silang maihiwalay ang katotohanan sa imahinasyon.
- High school: Direktang sabihin kung ano ang nangyayari. Bigyan ang mga binatilyo at dalagita ng pagkakataon na maibahagi ang kanilang mga opinyon tungkol sa pangyayari at mga mungkahi kung papaano maiiwasan ang mga ganoong pangyayari sa hinaharap. Humanap ng mga paraan upang matulungan ang mga biktima o makapagbigay ng pangangalaga o kagamitan sa sakuna, kung maaari.
- Ipaalala sa mga bata na inaasikaso ng gobyerto, pulis, mga doktor at iba pang mga eksperto ang sitwasyon.
- Kumpirmahin sa mga bata na sila ay ligtas. Ipaliwanag (paulit-ulit, kung kinakailangan) ang mga partikular na paraan na kung saan ang kanilang kaligtasan ay nasisiguro.
- Payagan ang bata na sumama ang loob, ngunit huwag pupuwersahin siya na ipahayag ang kanyang mga emosyon. Maging isang mabuti at maramdaming tagapakinig. Ipaliwanag na ang mga nararamdaman ng bata ay normal. Alamin na ang mga damdamin na ito ay maaaring muling magpakita muli sa mga ilang panahon.
- Pagmasdan ang mga emosyonal na pagtugon ng bata. Humanap ng mga pagbabago sa pag-uugali, pagtulog at mga kagawian sa pagkain. Tandaan na kalimitang ipinapahayag ng mga bata ang kanilang mga emosyon sa pamamagitan ng kanilang pag-uugali, at hindi sa pamamagitan ng kanilang pananalita.
- Ang mga bata na nasa mas malaking panganib ay yung mga dati nang may kasaysayan ng lubos na masamang pangyayari, yung mga may sakit sa pag-iisip o yung mga may natatanging pangangailangan.
- Pag-aralan ang iyong sariling mga pakiramdam ng stress. Pangalagaan ang iyong sarili sa pisikal na pamamaraan, at kuhanin ang emotional na suporta na iyong kinakailangan. OK lang na iyong ipaalam sa iyong mga anak na ikaw ay malungkot, pero naniniwala ka na ang mga bagay ay bubuti rin naman sa kalaunan.
Bilang karagdagan pa, ang mga magulang at iba pang makabuluhang mga matatanda ay dapat na:
- Panatiliing magkakasama ang pamilya hangga't maaari.
- Manatili ng isang normal na gawain ngunit huwag mabibigla kung ang mga bata ay natagpuang nahihirapang gumawa ng takdang-aralin at iba pang mga dapat asikasuhin. Maaaring kinakailangan mong bigyan sila ng karagdagang atensyon kapag oras na para matulong.
- Mas malimit na makipag-ugnayan sa mga bata. Sabihin mo sa kanila na mahal mo sila. Bigyan sila ng maraming pisikal na pakikipag-ugnayan.
- Limitahan ang panonood ng TV tungkol sa publikong kapahamakan o natural na sakuna.
- Hikayatin ang mga bata na tagalan ang kanilang pakikipagsalamuha sa kanilang mga kaibigan at pumasok sa paaralan. Makakatulong ang sosyal na pakikipag-ugnayan.
- Sabihan ang counselor sa paaralan kung ang iyong anak ay nakakaranas ng stress. Makapagbibigay ang paaralan ng karagdagang mga bagay na maaaring magamit tungkol sa emosyon.
- Bigyang-tuon ang mga kwento ng pag-asa at kalakasan. Papaano natulungan ang mga tao? May maganda bang bagay na nangyari?
- Bigyan ang mga bata ng pagkakataon na makapag-isip ng mga bagay na may pag-asa para sa mga biktima. Maaari silang gumawa ng mga liham, tula, gumuhit ng mga larawan o magdasal para sa mga biktima.
Kailan Kailangang Humingi ng Propesyonal na Tulong
Pagkatapos ng isang publikong kapahamakan o natural na sakuna, dahan-dahang mawawala ang mga reaksiyon kung ang bata ay tumatanggap ng sapat na suporta mula sa mga magulang, mga matatanda at pamilyar na mga gawain.
Humingi ng propesyonal na tulong kung ang alinman sa mga pisikal, emosyonal o pag-iisip na reaksiyon na inilarawan sa itaas ay nagpapatuloy sa mahabang panahon, nakapanghihina sa bata at/o sa pamilya, o may masamang epekto sa kanyang kakayahang magawa ang mga aktibidad sa paaralan, relasyon sa mga kaibigan, pagkamit ng mga nakatakdang palatandaan ng yugto ng paglaki, atbp.
Kabilang sa iba pang mga dahilan upang mangangailangan ng mabilisang atensyon ang malimit na agresibong mga pagsiklab ng malakas na emosyon, seryosong mga problema sa paaralan, parating pinag-iisipan ang lubos na masamang pangyayari o matinding pagnanais na mapag-isa.
Base sa pangangailangan, dapat humingi ng tulong ang mga magulang mula sa counselor/psychologist ng paaralan, pediatrician, isang kinatawan ng pananampalataya o sa isang propesyonal ng kalusugan para sa pag-iisip ng mga bata/mga nagbibinata't nagdadalaga.
Ang mga Organisasyon na Nagbibigay ng Tulong sa mga Traumatic Stress na Reaksyon
- American Red Cross
- National Organization for Victim's Assistance
- Crisis Hot Lines
- Salvation Army
- Association of Traumatic Stress Specialists, www.atss.info