Ang mga Benepisyo ng Pangangalaga ay Maaaring Emosyonal, Pisikal o Sikolohikal

Tingnan ang Magandang Bahagi Nito

Ang karaniwang Amerikano na tagapag-alaga ay isang middle-age na babae nag-aalaga ng tumatandang magulang, pero sa pag-aaral na isinagawa ng AARP noong 2017, napag-alaman na 40 porsyento ng mga lalaki ay nag-aalaga din.¹

Ang pag-aalaga sa isang pasyente ay maaaring maging isang mahirap na gawain sinuman ang gumagawa ng mga trabaho-na maaaring isang 40 taong gulag na anak na babae na adult ng pasyente o middle aged na anak na lalaki na meron pa ring full-time na trabaho at mga pangangailan ng kanyang sariling pamilya. Ngunit ayon sa mga pag-aaral, may mga magagandang hatid rin ang pag-aalaga ng isang taong maysakit.

Ano ang mga Natatamo?

Sa isang 2014 na pagsisiyasat na ginawa ng Pew Research Center, sinabi ng mga Amerikanong tagapag-alaga na natuklasan nila na ang karanasan ay mas nakapagdudulot ng kasiyahan (88 porsyento) kaysa sa stress (32 porsyento).2 Gayun din naman, ipinahiwatig ng isang kahiwalay na 2014 na pagsisiyasat na ginawa ng National Opinion Researcher Center (NOPC) na natuklasan ng 83 porsyento ng mga of tagapag-alaga na ang karanasan ay nakapagdudulot ng kasiyahan.

Isang babaeng tagapag-alaga na naka-pose kasama ng kanyang nanay

Ayon sa pagtatasa ng American Psychological Association tungkol sa natuklasan ng NOPC: "Marami sa mga pamilyang tagapag-alaga ay nag-uulat ng positibong mga karanasan sa pag-aalaga, kabilang ang pakiramdam na sa pamamagitan ng kanilang pangangalaga, binibigyan nila ng pasasalamat ang isang tao dahil sila rin mismo ay napangalagaan ng taong iyon, ang kasiyahan ng kaalaman na ang kanilang minamahal ay tumatanggap ng mahusay na pangangalaga, personal na pagpapabuti at mas malaking kahulugan at layunin sa buhay ng isang tao. Ang pakiramdam ng ilan sa mga tagapag-alaga ay ipinapasa nila ang tradisyon ng pangangalaga at sa pamamagitan ng pagbigay ng isang halimbawa ng pag-aalaga, ang kanilang mga anak ay mas malamang na mapangalagaan din sila kung kinakailangan."

At mayroon pang iba. Dahil ang karaniwang tagapag-alaga ay nakatindig sa karamihan ng araw-yumuyuko, nagbubuhat, naglalakad-mayroong mga pisikal na mga benepisyo sa pag-aalaga. Ang pang-araw-araw na mga gawain ng pag-aalaga na pagliligo, pagbibihis at paglilipat ng isang minamahal at paggamit ng mabibigat o mahirap gamiting mga medikal na kagamitan ay nakakatulong sa pagbuo ng kalakasan at kakayahan. Kapag paulit-ulit itong ginawa, ang mga gawain na ito ay makapag-papabuti ng pisikal na kalusugan ng tagapag-alaga.

Ang pag-aasikaso ng maraming mga schedule, pagbabayad ng mga bills, paniniguro na ang pag-inom ng mga gamot ay nagagawa sa tamang panahon at sa nararapat na dosis at pati na rin ang pakikipag-usap sa mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan at propesyonal na tauhan sa insurance ay mga kakayahan sa pag-iisip na makakatulong sa isang tao na mapatalas ang pag-iisip ng tagapag-alaga at mapabuti ang memorya.

Bigyang-tuon ang Positibo

Hindi kapani-panibago na ang kahirapan ng pag-aalaga ay magiging sanhi ng magkasabay na positibo at negatibong mga epekto. Gayunpaman, natuklasan ng maraming mga pag-aaral na ang mga tagapag-alaga na nagbibigay-tuon sa mga positibong aspeto ng pag-aalaga ay nagpapakita ng mas mabababang antas ng depression.

Ang pag-aalaga ay hindi madali. Sinabi minsan ni Pablo Casals, ang sikat na cellist at composer, na, "Ang kakayahan na mangalaga ay ang isang bagay na nagbibigay sa buhay ng kanyang pinakamalalim na kabuluhan at kahulugan." Ang mga tagapag-alaga ay maraming ginagawang pangangalaga. Kung kanila mang nakikita ito bilang isang kahirapan o benepisyo ay maka-iimpluwensiya sa kung ganno kahusay ang kanilang kinalalabasan.

1Pew Social Trends: Caring for Aging Parents. http://www.pewsocialtrends.org/2015/05/21/4-caring-for-aging-parents/ AARP.

2The Hidden Male Caregiver. 2017. https://www.aarp.org/caregiving/life-balance/info-2017/hidden-male-caregiver.html

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.