Stress at Peligro ng Tagapag-alaga na Magkaroon ng Sakit sa Puso

 Sino ang Mag-aalaga sa Iba Kung Hindi Mo Aalagaan ang Sarili mo?

  • Kinansela mo ang paglalaro mo ng baraha tuwing Lunes-na naman-dahil nagkaroon ng masamang weekend ang asawa mo at hindi mo siya maiwan ngayong araw. 
  • Kumplikado ang kanyang mga gamot, at napansin mo na ubos na ang isa sa mga gamot na napakahalagang mainom niya nang nasa oras.
  • Paparating ang iyong anak na babae upang tumulong, ngunit natatakot ka na papagalitan ka na naman niya sa kamalian mo.

Alam mo ang pakiramdam: kumakabog ang puso mo, namamawis ang palad mo, nagngangalit ang iyong panga at napapaisip ka ng mga kahindik-hindik at nakakakilabot na bagay. Stressed ka, at inilalagay mo ang puso mo sa peligro.

Chronic o Matagalang Stress

Ang pagkakaroon ng chronic o matagalang stress ay maaaring lubhang makasama sa kalusugan ng puso mo: pinsala sa artery walls at immune system, pananakit ng ulo at tiyan, stress hormones na dumadaloy sa iyong dugo at iba pa. Hindi lang sakit ang idinudulot ng stress sa iyo. Nakakaapekto rin ito kung paano ka mag-alaga sa iba, kung paano ka kumikilos sa mga routine o mga sitwasyon na karaniwang nagaganap sa iyo, kung paano mo ginugugol ang buhay mo.

Ngunit kung katulad ka ng karamihan sa mga tagapag-alaga, bihira mong pinapansin ang stress na dinaranas ng sarili mo o kaya naman ay bihira ka ring nagpapahinga ng kahit limang minuto lang para man lang makahinga nang malalim.

Sa halip, gumagawa ka ng cake-one-third lang nito ang kakainin mo. O kaya naman ay binibigyan mo ng permiso ang sarili mo na uminom ng dalawang drinks bago maghapunan. O magsigarilyo kapag walang nakatingin. O kaya naman ay manatili lang na gising sa buong gabi at nanonood ng mga lumang movies, sobrang pagod para gumawa ng kahit ano pero hindi makapag-isip.

Sa madaling salita, napaka-posible na mas sinisira mo ang sarili mo at mas pinalalala mo ang stress mo sa pamamagitan ng paggawa ng mga hindi tamang bagay. Maaaring mapagaan ng mga ito ang pakiramdam mo habang ginagawa mo ang mga ito, ngunit maaaring hindi nakatutulong ang mga ito sa mga dapat mo talagang gawin at hindi rin nakatutulong upang masolusyunan ang problema mo sa tamang paraan.

Pag-aalaga sa Sarili

Subalit, kung hindi mo aalagaan ang sarili mo at ang puso mo, o kung nakakaranas ka na ng tinatawag na caregiver burnout o sobrang pagkapagod, hindi mo na maaalagaan ang taong dapat alagaan mo o kaya naman ay maipakita ang pagmamahal mo sa mga taong umaasa sa iyo.

Tips Upang Maging Matagumpay sa Pag-aalaga

Oras na para pag-usapan nang masinsinan ang tungkol sa kalusugan ng puso mo, salamat sa American Heart Association (AHA) at sa National Family Caregivers Association.

  1. Ang sarili mo ang dapat na magpatakbo ng buhay mo. Huwag mong hayaan na ang kalagayan ng kapamilya mong maysakit ang laging nasa sentro ng atensyon.
  2. Mahalin, igalang at pahalagahan mo ang sarili mo. Napakahirap ng trabahong ginagawa mo; karapat-dapat lang magkaroon ka ng quality time para sa sarili mo.
  3. Obserbahan kung may senyales ka ng depression; humingi ng professional na tulong ngayon na at hindi bukas. Kapag may mga taong nag-aalok sa iyo ng tulong, sumang-ayon ka agad! Ipauna sa mga tao ang mga mas mahahalagang gawain at ibigay at ibigay ito sa mga kanila kapag nagtanong sila kung ano ang maaari nilang magawa para sa iyo.
  4. Alamin mo ang mga impormasyon tungkol sa kalagayan ng kapamilya mo na maysakit. Nakatutulong ang paghahanda sa mga hindi inaasahang sitwasyon upang maging mas matibay at may tiwala ka.
  5. Buksan ang isipan mo sa mga bagong teknolohiya at ideya na nakatutulong upang maging independent ang mahal mo sa buhay na inaalagaan mo at nakatutulong ito upang maging mas madali ang trabaho mo.
  6. Magtiwala sa iyong kalikasan o nararamdaman. Kadalasan, dadalhin ka nito sa tamang direksyon.
  7. Kapag pakiramdam mo ay malapit ka nang mawalan ng pasensya o sasabog na ang sama ng loob mo, magdahan-dahan sa ginagawa mo o tumigil sandali upang huminga nang malalim. Lumayo sa sitwasyon, kahit na 5 minuto lang, upang makabawi ka at lumamig ang ulo mo.
  8. Tanggapin ang bawat sandali. I-enjoy ang mga masasayang araw at hayaang lumipas ang mga masasamang araw.
  9. Maghanap ng mga tao na nakararanas ng mga paghihirap na katulad ng sa iyo. Mas nagiging matibay ka kung alam mo na hindi nag-iisa.

Hindi ka nag-iisa. May mga tao na handang tulungan ka, bigyan ka ng payo at ituro ang mga bagay na hindi mo alam. Isang click lang ang layo mo sa impormasyon. Bilang pasimula: AHA Support Network

Alamin kung maaaring makatulong ang hospice care sa iyong minamahal sa buhay

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.