Guilty ka ba ng CWE: Caregiving While Employed?
Kung isa kang U.S. worker na nag-aalaga rin sa iyong matandang magulang, kamag-anak, lolo o lola, o taong may kapansanan, hindi ka nag-iisa. Tinatayang may 45.3 milyon na mga Americans ang nag-aalaga ng ibang tao sa loob ng average na 24.4 oras bawat linggo, ang sa mga tagapag-alagang ito, 60 percent sa kanila ang may trabaho.
Ayon sa National Alliance for Caregiving (2015 data), inilalarawan ng 40 percent ng mga tagapag-alaga ang kanilang responsibilidad bilang trabahong puno ng stress, samantalang ayon naman sa 20 percent, nagkaroon ng masamang epekto ang pag-aalagang ginagawa nila sa kanilang kalusugan, at 60 percent naman ang nagsasabi na sa pag-aalagang ginagawa nila, kinailangan nilang magtrabaho nang mas maikli ang oras, mag part-time na shift, mag-leave of absence at nakakaapekto rin nang masama sa kanilang performance sa trabaho. Nararamdaman din ng mga business ang stress, at tinatayang nagkaroon ito ng $29-$33 bilyon na pagkalugi sa mga hindi nagawang produksyon at gastos sa healthcare pare sa mga empleyadong caregiver-estimate na huling na-update noong 2006.
Sa buong bansa, 60 percent ng mga tagapag-alaga ay mga babae, at 40 percent ay lalaki-at lahat sila ay nagsisikap na balansehin ang buhay at trabaho nila bilang tagapag-alaga na walang bayad.
Sa pamamagitan ng tulong, maaari kang maging empleyado at tagapag-alaga.
Kung pinahahalagahan mo ang iyong trabaho at iginagalang ang iyong mahal sa buhay na maysakit, maaari mong mapagtagumpayan na maging mabuting tagapag-alaga at mabuting empleyado. Ang oras na ginugugol sa isang mahal sa buhay na maysakit o isang matanda ay maaaring katangi-tangi, sandalian at nakapagdadala ng matinding emosyon sa iyo. Masarap din ang pakiramdam na maging isang iginagalang na miyembro ng isang team na maayos na kumikilos. Parehas ang mga itong nangangailangan na maging proactive o nagkukusang magsimula ng mga bagong gawain, at organisasyon mula sa 'yo, lalo na kung gusto mong iwasan ang caregiver burnout o sobrang pagkapagod ng tagapag-alaga.
Nakatutulong ang pagiging matapat, brainstorming at mga resources sa trabaho upang maibahagi mo ang load o dami ng gawain
Magsimula ka sa pamamagitan ng pagtingin sa Employee Assistance Program (EAP) ng iyong employer upang malaman kung ano ibinibigay nila para sa mga tagapag-alaga. Sa ilang mga kumpanya, may mga ibinibigay na flextime o flexible na oras ng trabaho, family leave o iba pang resources na kaugnay sa trabaho, para sa mga tagapag-alaga. Ang Family and Medical Leave Act ng U.S. Department of Labor ay nagbibigay ng hanggang 12 linggo na leave na hindi bayad at job-protected o walang peligro na mawala ang trabaho.
Caregiving While Employed o Pag-aalaga Habang Nagtratrabaho
Narito ang iba pang mga tip o payo:
- Makipag-usap sa iyong boss at sa iyong mga kasamahan sa trabaho. Ipaalam sa kanila kung ano ang nangyayari sa inyong bahay, at maging matapat ka ukol sa mga pagbabago na maaaring mangyari sa iyong schedule. Kung hindi mo masabi o unpredictable ang sitwasyon mo sa pag-aalaga, sabihin mo ito.
- Dapat merong kang to-do calendar sa bahay at sikapin na nasusunod mo lagi ang deadline at iwasan na magmadali sa trabaho dahil may nakalimutan kang appointment
- Igalang ang oras ng iyong trabaho. Gamitin ang mga break at lunchtime upang tumawag sa telepono para sa mga trabaho mo bilang tagapag-alaga, o maghanap sa internet o kaya ay tumawag sa bahay upang kumustahin ang sitwasyon
- Ibigay mo ang iyong solusyon sa iyong employer, maaaring ito ay pagtratrabaho nang mas gabi upang matapos ang trabaho o project, pagtratrabaho nang nasa malayo o mula sa bahay, sharing ng trabaho o maghanap ng iba pang kakaibang arrangament sa trabaho
- Itakda ang iyong mga prayoridad
- Ibigay sa iba ang mga gawain at tumanggap ng tulong mula sa iba, sa trabaho man o sa bahay
- Alamin kung sino ang mga gustong tumulong at pahalagahan ang mga taong tumutulong sa iyo kapag nagigipit ka.
- Alalahanin ang iyong sitwasyon kapag may ibang tao na nahihirapan sa sitwasyong Caregiving While Employed o Pag-aalaga Habang Nagtratrabaho; tulungan ang taong dating tumulong sa iyo
Kahit pa nagtratrabaho ka sa isang maliit na business na walang pormal na patakaran ukol sa family leave o time off sa trabaho, ang mga isyu o problema ukol sa flextime at pag-aalaga sa matatanda ay isang mainit na topic sa business. Kapag lumapit ang iba't ibang mga interesadong empleyado sa inyong boss tungkol sa problema sa pamilya, maaari kang magbigay ng solusyon na panalo para sa lahat. Walang mawawala kung susubukan mo.