Ano ang Pakiramdam na Maging Isang Hospice Volunteer

Naniniwala si Jessica Ramos na ang pinakamahusay na bagay na magagawa mo para sa iyong sarili ay ang maglingkod sa iba. Siya ay may edad na 30, may asawa at isang masigasig na madrasta. Ngunit pagkatapos niyang magkaroon ng anak na patay na nang isilang at makunan ilang taon na ang nakalipas, siya ay nabalisa.

Hindi siya nagmukmok o kinaawaan ang kanyang sarili, at dahil hindi siya nagtatrabaho sa panahong iyon, pumunta si Jessica sa VolunteerMatch.org upang maghanap ng pagkakaabalahan, isang bagay na magpapalimot sa kanya ng kanyang kalungkutan. Bihasa siya sa wikang Ingles at Espanyol at nakatira sa Miami-Dade County, Florida. Siguradong may taong nangangailangan ng kanyang tulong.

Pagtanggap sa Pagkakataon

Binuksan niya ang isang ad para sa VITAS, ngunit nang makatanggap siya ng tawag mula kay Cathy Agosti, isang volunteer services manager ng VITAS mula sa Miami-Dade County, kinailangang i-Google ni Jessica ang hospice. Hindi siya sigurado kung ano ito. "Ngunit palagi akong nasa paligid ng matatanda at may sakit," katwiran niya. "Magaling akong makiramdam, at nararamdaman iyon ng mga pasyente sa akin." Kaya tinanggap niya ang pagkakataon.

Ginugol niya ang maghapon sa orientation, isa sa halos sampung bagong volunteer na nasa edad na estudyante sa high school hanggang sa matatanda. Natutuhan nila kung ano ang kanilang tungkulin bilang mga boluntaryo, anu-ano ang mga legal at medikal na sangay para sa mga boluntaryo, at kung ano ang pakiramdam kapag binibisita ang isang pasyente sa hospice o ang kanyang pamilya.

Bagama’t karaniwang nagtatrabaho ang mga boluntaryo sa pagitan ng isang beses sa isang buwan hanggang sa isang beses sa isang linggo, nag-sign up si Jessica upang bisitahin ang apat na pasyente nang tatlong beses sa isang linggo, lahat ay  nakatira sa parehong palapag ng isang pasilidad na malapit sa bahay niya. Sinamahan ng kanilang VITAS case manager si Jessica sa kanyang unang pagbisita, upang ipakilala siya at tulungan silang bumuo ng ugnayan.

Paglalaan ng Kanyang Oras sa mga Pasyente 

Isang pasyente, na mas matanda nang 10 taon lang kay Jessica, ay may taning ang buhay dahil sa cancer, nagagalit at naaaburido. Mabait, mahinahon at kalmado ang case manager. "Tinanggap ko ang hudyat mula sa case manager," sabi ni Jessica. “Sa halip na maramdaman kong hindi ko kaya, tinanggap ko ang paghamon ng pasyenteng ito. Nang makatanggap ako ng tawag na siya ay pumanaw noong gabing iyon, nanghinayang ako dahil hindi ako gaanong nagkaroon ng oras kasama siya.”

Kaya pinagtuunan niya ng pansin ang tatlong natitirang pasyente, lahat ay matatanda. Nagboluntaryo si Jessica nang tatlong beses bawat linggo nang halos apat na buwan, hanggang siya at ang kanyang asawa ay lumipat na sa kalapit na county. Dinadalaw niya ang bawat pasyente nang halos isang oras sa tuwing magboboluntaryo siya.

Nagdala si Jessica ng mga munting regalo nang dumalaw siya nang malapit na ang Pasko at Valentine's Day. Ngunit ang makapiling lamang siya ay nakapagpapangiti na sa kanyang mga pasyente. Hindi nila maalala ang kanyang pangalan, ngunit bawat isa ay nagagalak na makita siya.

Sophie, Margaret at Wilson

Si Sophie, na nasa wheelchair, ay nagmula sa Cuba. Binibisita siya ng kanyang asawa araw-araw tuwing tanghalian, kaya nakilala rin siya ni Jessica. Si Margaret, na nagmula sa Panama, ay may mga anak sa lugar na iyon ngunit nagnanais ng mas marami pang bisita. Gusto niya na umupo lamang si Jessica at makinig sa sasabihin niya.

Ngunit si Wilson ang nagturo kay Jessica tungkol sa paglilingkod. Si Wilson ay nakaratay sa kama. Mayroon siyang Sakit na Alzheimer at PTSD. Gumagamit siya ng morphine para sa kirot, at siya ay natulog. Gigisingin siya ni Jessica sa abot ng kanyang makakaya pagkadating niya.

Napag-alaman niyang makatutulong ang musika sa mga pasyente ng sakit na Alzheimer, kaya tinanong niya si Wilson kung ano ang paborito niyang kanta, at ibinulong ni Wilson ang “country music.” Kaya nagdala siya ng ilang kanta ni Clint Black. Si Walter ay mula sa Michigan, kaya nag-Google siya ng mga litrato ng Michigan at sabay nila itong tiningnan.

Ngunit madalas ay nanatiling hindi pa rin tumutugon si Wilson. Pumunta si Jessica sa kanyang volunteer manager upang itanong kung ano ang maaari niyang gawin. Sinabi ni Cathy na ang pag-upo lang sa tabi niya, kahit wala sa kanila ang magsalita, ay mahalaga na sa isang pasyente tulad ni Wilson. Hindi kumbinsido si Jessica.

Ngunit nang tumawag si Cathy upang sabihin na may isa pang pasyente na maaaring dalawin ni Jessica at mas tumutugon, kinailangan ni Jessica na tanggapin at harapin si Wilson. At ang kanyang sarili.

"Napunta ako sa tungkulin na pakiramdam ay may karapatan," sinasabi niya ngayon. “Gusto kong si Wilson ay maging nasa isang partikular na paraan, at nalungkot ako nang hindi siya naging ganoon. Ngunit kailangan kong pahalagahan si Wilson kung sino siya. Naroon ako para punan ang mga pangangailangan ni Wilson, hindi ang sa akin."

Paghahanap ng Paglunas

Sa huli, natugunan din ni Jessica ang kanyang sariling mga pangangailangan. "Talagang nahanap ko ang lunas na hinahanap ko, at saka iba pa," sabi niya. "At babalik ako. Hinahanap-hanap ko ang Miami-Dade, ngunit nakilala ko ang volunteer manager ng VITAS program sa Broward County, at magpapatala ako para maging volunteer doon.

Maging hospice volunteer.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.