Mga Paw Pals® na Boluntaryo

Sa VITAS, ang programang pagbisita ng mga alagang hayop ay tinatawag na Paw Pals. Sinasanay ng VITAS ang magigiliw at maaamong alagang hayop upang maging Paw Pals. Ang isang rehistradong volunteer ng VITAS Paw Pals, na laging kasama ng kanyang amo, ay alam kung paano bisitahin ang mga pasyenteng malapit na ang katapusan ng buhay at komportable sa mga medikal at residensiyal na pasilidad pati na rin sa mga pribadong bahay.

Bagama’t karamihan sa mga VITAS Paw Pal ay mga aso ng hospice, ang ibang boluntaryong hayop ay maaaring isaalang-alang sa batayang depende sa kaso. Sinusuri ang lahat ng posibleng boluntaryo at ang kanilang mga amo.

Para sa impormasyon tungkol sa lokal na programang Paw Pals, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong lokal na programa para malaman kung mayroong Paw Pals sa inyong lugar, kung sila ay tumatanggap ng mga bagong volunteer para sa pagsasanay o kung paano magsaayos ng pagbisita ng Paw Pals.

Ibinabahagi ng mga Volunteer ang Kanilang mga Kwento

Isang pasyente ng VITAS kasama ang isang volunteer na aso ng Paw Pal

Gustong magkwento ng mga volunteer ng Paw Pals at ng kanilang mga amo tungkol sa kanilang mga karanasan sa hospice. Inalala ng isang amo ng Paw Pal ang pagbisita sa isang VITAS inpatient hospice unit:

“Huminto ako sa kuwarto ng isang pasyente at tinanong ang asawang lalaki kung nais ng kanyang asawa na bisitahin ni Pogo, ang aking Shetland sheepdog,” sinabi ng volunteer. “Sinabi niya na hindi pa sila kailanman nagkaroon ng mga alagang hayop at sa palagay niya ay hindi magiging interesado ang kanyang asawa. Ngunit nakikita ko na interesado siya, kaya tinanong ko kung maaari kong ilagay na lang ang aso sa kanyang kama. Agad na niyakap ng babae si Pogo at tumagal ito nang 15 minuto o higit pa. Pumanaw siya kinabukasan. Kinalaunan ay sinabi ng kanyang asawa na iyon ang unang beses sa loob ng tatlong taon na nakita niyang ngumiti ang kanyang asawa. Mayroon siyang alaala na ngumingiti ang kanyang asawa. Iyon ang ginagawa ng Paw Pals; nagbibigay sila ng pag-asa sa mga tao.”

Maging hospice volunteer.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.