Mag-volunteer sa Veterans sa Hospice

Isang beterano ng digmaan na may medalyaNais ng VITAS na hingin ang iyong serbisyo para tulungan ang mga beterano na malapit na ang katapusan ng buhay.

Naghahanap kami ng mga beterano ng sandatahang serbisyo at iba pang tao na gustong parangalan at suportahan ang ating mga buhay na bayani. Sinasanay ang lahat ng volunteer upang matugunan ang mga partikular na pangangailangan ng mga beteranong malapit na ang katapusan ng buhay upang mapahusay ang kanilang kalidad ng buhay.

Nais ng VITAS na Iyong:

  • Bisitahin ang beteranong may pagkakasakit na walang lunas
  • Ipagmaneho at/o samahan ang isang beterano sa mga appointment, pamimili at iba pang kaganapan
  • Tulungan ang isang beterano na mag-apply para sa mga benepisyo o alamin ang mga tulong na magagamit
  • Tulungang palitan ang mga nawala o ninakaw na medalya sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga angkop na ahensiya
  • Makinig sa mga kwento ng buhay, o maging i-record o i-videotape ang mga pag-alala ng isang beterano
  • Tawagan sa telepono ang mga beterano upang kumustahin sila
  • Dumalo o magplano ng mga gawain para ipagdiwang ang mga holiday at kaganapan para sa mga beterano
  • Turuan ang mga grupo ng mga beterano tungkol sa mga hospice services sa pamamagitan ng pagsasalita sa kanilang mga pagpupulong

Ang Tungkulin ng mga Volunteer para sa Beterano

Bumubuo ang mga volunteer ng mahalagang bahagi ng VITAS hospice team. Nagbibigay sila ng praktikal at emotional support sa mga pasyente at kapamilya kapag higit nila itong kailangan, at handang maupo sa tabi ng kama at makinig.

Ang Pananaw ng Beterano

Maraming mga beterano na tumatanggap ng hospice care ang nagpapahalaga ng contact sa mga volunteer na mga beterano din, kahit na sila ay naglingkod sa ibang oras o lugar. Bilang miyembro (o dating miyembro) mismo ng militar, kabisadung-kabisado ng mga volunteer ang mga uri ng problemang kinakaharap ng mga beterano-at madalas silang makiramay sa paraang hindi kayang gawin maging ng hospice team o mga miyembro ng pamilya. 

Mahahalagang Serbisyo

Ang mga veteran na volunteer ng VITAS ay:

  • Nakikinig sa mga pasyente at kanilang pamilya. Sensitibo sila sa mga pangangailangan ng kapwa mga beterano, at nauunawaan mismo ang mga serbisyong kanilang ibinigay at ang mga sakripisyong kanilang ginawa.
  • Tumutulong na balikan ang mga alaala. May kaalaman ang mga beteranong volunteer tungkol sa mga kaugnay na kahulugan ng makasaysayang serbisyo ng mga beterano, at maaaring makatulong sa mga pasyente na muling sariwain ang kanilang mga alaala at ipasa ang mga ito sa kanilang pamilya. 
  • Isaayos ang mga kapalit na medalya. Pamilyar ang mga beteranong volunteer sa mga military channel na kung kanino kinukuha ang mga kapalit na medalya.
  • Magbigay ng tulong na benepisyo sa mga beterano. Dahil pamilyar sila sa sistema, madalas na makakatulong ang mga beteranong volunteer sa mga pasyente at kapamilya sa pag-a-apply para sa at pagkuha ng mga benepisyo sa mga beterano.
  • Dagdagan ang kamalayan ng komunidad. Kadalasang tumutulong ang mga beteranong volunteer sa mga ospital, nursing home at assisted living at long term care facilities upang magplano ng mga kaganapan na kumikilalal sa serbisyo ng mga beterano sa mahahalagang holiday.

Pangangalap ng mga Volunteer

Sa VITAS, aktibo kaming nangangalap at nagsasanay sa mga volunteer sa komunidad na nagbibigay nitong mahalagang serbisyo sa aming mga pasyente. Bilang kapalit, itinuturo nila ang mga programa ng hospice at mga problema sa katapusan ng buhay sa mga lokal na grupo ng mga beterano upang makatulong na dagdagan ang kamalayan sa loob ng komunidad.

Maging hospice volunteer.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.