Tumutulong ang Hearts and Hands sa VITAS Families sa pamamagitan ng Paggawa ng mga Memory Bear

Kapag naiisip mo ang pag-volunteer sa hospice, maaaring hindi ang pananahi ang unang bagay na sumasagi sa isip mo. Ngunit kung ikaw ay isang tao na kayang manahi o mahilig gumawa ng mga bagay na gawang-kamay, nag-aalok ang VITAS ng mga espesyal na paraan para sa iyo upang magamit ang iyong oras at mga talento bilang isang craft volunteer.

Ang Paggawa ng Forever Friend

Isang asul na teddy bearNakagawa na ang mga VITAS volunteer ng mahigit sa 98,900 na mga Memory Bear at Memory Pillow mula 2005. Ginawa ang mga alaalang ito mula sa mga damit o tela ng isang mahal sa buhay.

Maaaring maghatid ng pagngiti ang mga Memory Bear at Memory Pillow sa isang taong nagdurusa, naghahandog ng pakiramdam ng kapanatagan sa isang bata o maging mabuting tagapakinig sa isang taong may nais sabihin. Ipinadadala sa koreo ang mga ito sa mga mahal sa buhay o inihahatid ng nurse sa team sa pag-aalaga ng pasyente.

Ang mga komento mula sa mga nakatanggap, tulad ng, "May mahahawakan na ako ngayon," at "Ayaw ko siyang bitiwan," ay nagpapatunay sa mga epektong nagpapasaya sa puso na mayroon ang mga Memory Bear at Memory Pillow.

Ang ilan sa mga uri ng telang ginamit para gawin ang mga Memory Bear at Memory Pillow ay nanggaling sa mga bathrobe, kamisetang de-butones na gawa sa bulak o flannel, uniporme, bistida, pantalon, at pati na rin mga uniporme. Ang bawat isa ay natatangi, at may kalayaan ang mga volunteer na magdagdag ng mga palamuti para gawing personal ang bawat isa, tulad ng mga sombrero, tsaleko, mga laso o butones.

Para sa mga taong gumagawa ng mga Memory Bear at Memory Pillow, may pakiramdam ng layunin at katuparan. Ayon sa isang volunteer ng Memory Bear, "Nagbibigay ito sa akin ng magandang pakiramdam. Alam kong may natutulungan akong isang tao...alam kong magbibigay ng comfort ang aking bear."

Pagtulong sa Iba-Iisang Diwa

Ginagamit ng ibang volunteer ng gawang-kamay ang kanilang kakayahan sa pananahi upang gumawa ng mga kapaki-pakinabang na item para sa mga pasyente.

Ang mga volunteer na nasisiyahan sa knitting at paggagantsilyo ay kadalasang gumagawa ng mga lap blanket, balabal, o afghan para sa mga pasyente. Kabilang sa iba pang tinahing item ang mga bukas sa likod na gown.

Ang mga kakayahan at proyekto ay maaaring mag-iba-iba depende sa bawat volunteer, ngunit iisa ang kanilang diwa-ang bawat item ay tinahi nang may pag-iingat at may habag.

Maging isang volunteer ng Memory Bears.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.