Pag-volunteer: Ang Pinakamahusay na Gamot para sa Pangungulila

Sa panahon na natuklasan ni Linda na siya ay may cancer sa suso, ito ay stage IV na. Matapos ang matapang na pakikipaglaban, sumuko siya sa sakit isang taon at kalahati lang sa edad na 51. Para sa kanyang anak na si Sherri, ang pagkawala ng mahal sa buhay ay nakakasira ng loob.

"Bukod sa pagiging pamilya, ang nanay ko at ako ay pinakamatalik na magkaibigan at magkasosyo sa negosyo. Nang mamatay siya, naramdaman kong gumuho ang aking mundo," sabi ni Sherri. "Ang aking pagdadalamhati ay nakakapagod."

Ang hospice volunteer na si Sherri (kaliwa) at kanyang ina na si LindaPara kay Sherri, ang pag-volunteer ay naging pinakamahusay na gamot para sa kanyang pangungulila. "Talagang nagsimula ang aking pink passion nang buhay pa ang aking ina. Lalabanan namin ang breast cancer at ikakalat ang mensahe tungkol sa maagang pagtuklas at mga taunang pag-screen, ilang bagay na hindi namin nakasanayan, sa huli ay humantong sa pagkaalam ng aking ina sa kanyang cancer sa huling yugto na," pag-alala ni Sherri. 

"Matapos ang kanyang kamatayan, mas lalo akong nangakong susubukan at tutulungan ang ibang tao na hindi na maranasan ang kanya o ang aking paghihirap. Nagsimula ako ng napakaraming pink event, ginawang bahagi ng kultura ng aming negosyong wholesale ng beauty supply ang kamalayan sa breast cancer at naging volunteer sa Susan G. Komen Miami-Ft. Lauderdale."

Iyon ay maraming taon na ang lumipas. Ngayon, nakikipag-usap si Sherri sa mga lokal na komunidad sa ngalan ng Komen organization tungkol sa mga mapagkukunan na mayroon sila upang magamit ng mga taong na-diagnose na may breast cancer. Naglalaan siya ng 16 oras bawat linggo sa organization maging sa pagho-host ng mga taunang fundraising event. Tatlong taon na ang nakalipas, hiniling sa kanya na maging pangulo ng lupon ng Susan G. Komen Miami-Ft. Lauderdale at kalaunan ay naging committee chair ng Race for the Cure.

"Ang bawat tungkulin na aking ginampanan ay nakatulong sa akin na maramdaman na totoo kong natutulungan ang iba sa kanilang paglaban sa sakit na ito,” sabi ni Sherri.

At habang tinutulungan ni Sherri ang iba, nakakatulong naman sa kanya ang pag-volunteer. "Tunay na ang pag-volunteer ay isang 'epektibong gamot' para sa akin," sabi ni Sherri. “Nakatulong sa akin ang pag-volunteer na magkaroon ng positibong pananaw sa pagkawala ng aking ina. Nakatulong ito na hindi ako tumuon sa aking pagdadalamahati. Nasasaktan pa rin ako araw-araw pero nakakahanap ako ng comfort sa pagtulong sa iba."

Para sa mga taong nag-iisip na mag-volunteer matapos ang pagkawala ng isang mahal sa buhay, sinabi ni Sherri na, "Nagbabago ang buhay matapos mong mawalan ng isang mahal sa buhay, kaya mahalaga na hindi laging isipin ang nakaraan ngunit maging 'nakatuon sa hinaharap.' Humanap ng isang bagay na kinahuhumalingan mo, alamin ang mas marami sa abot ng iyong makakaya tungkol doon at mag-volunteer. Sa paggawa ng kabutihan sa iba, nakatutulong ito na makayanan ang pagdadalamhati."

Mabuti sa Isipan at Katawan ang Pag-volunteer

Ipinakita ng pag-aaral na ang pag-volunteer ng iyong oras para sa mabuting dahilan ay nakapagpapabuti ng estado ng kalusugan ng pag-iisip at ng pangkalahatang kaligayahan. Sa isang pag-aaral na ipinagawa ng UnitedHealth Group, karamihan sa mga kalahok sa survey ay nag-ulat na nakakaramdam na naging mas mabuti ang kalusugan ng katawan at pag-iisip matapos ang karanasan bilang volunteer. Karamihan sa mga kalahok ay binanggit ang pagbuti ng lagay ng loob, mas mababang antas ng stress, pagsulong ng pagkakaroon ng layunin at pakiramdam ng pagiging mas malusog bilang resulta ng pag-volunteer.¹

Sa pag-aaral na ito, inihayag ng The Health Benefits of Volunteering, ang Corporation for National Community Service na pinahuhusay ng pag-volunteer ang pagpapahalaga sa sarili, pinabababa ang mataas na presyon ng dugo, dinaragdagan ang produksyon ng endorphin at pinalalakas ang immune system. ²

Pagbibigay Pabalik bilang Paraan upang Parangalan ang Mahal sa Buhay

Naging paraan ang pag-volunteer para kay Sherri na parangalan ang kanyang ina. "Nararamdaman kong nabubuhay ang mapagbigay na espiritu ng aking ina sa paraang pinili ko upang parangalan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtulong sa iba," paliwanag ni Sherri. “Naging inspirasyon siya sa akin. Nagbigay-daan ito sa akin upang tumulong sa iba at ibahagi rin sa iba ang kanyang kwento sa napakarami. Wala na akong maisip na higit pang karangalan kaysa sa kakayahang makapagbigay pabalik.”

Kung naghahanap ka ng paraan para gumawa ng pagbabago sa iyong buhay at sa mga buhay ng iba, o isang espesyal na paraan para parangalan ang isang mahal sa buhay, ang VITAS Healthcare ay mayroong mga oportunidad para sa volunteer.

Sanggunian:

¹ http://www.unitedhealthgroup.com/~/media/UHG/PDF/2013/UNH-Health-Volunteering-Study.ashx
² http://www.nationalservice.gov/pdf/07_0506_hbr.pdf

Maging hospice volunteer.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.