Hindi pa huli para isaalang-alang ang hospice

Kahit magtagal man ito ng ilang minuto, oras o araw lamang, ang isang maiksing pananatili sa hospice ay makapagbibigay ng makabuluhang mga benepisyo para sa kapwa pasyente at sa kanyang pamilya.
I-download ang mga Gabay sa Pagiging Karapat-dapat

Araw-araw na pinangangalagaan ng mga departamento ng emergency ang mga pasyenteng may seryoso at nakapagpapaiksi ng buhay na mga kundisyon, sila ang mga taong maaaring makinabang mula sa pagbabago ng uri ng pangangalaga patungo sa isang pangangalagang nakabatay sa comfort.

Makakatulong ang VITAS® Healthcare.

Bilang namumuno sa bansa, mayroon kaming mga mapagkukunan at kadalubhasaan para makapagsimula o makapagpatuloy ng komplikadong mga pamamaraan ng pagsasagawa para sa pangangasiwa ng matinding sintomas-na may karagdagang benepisyo ng psychosocial na suporta sa katapusan ng buhay para sa pasyente at sa kanyang mga mahal sa buhay.

Case Study:
Pasyente na Biglaang Natumba

Ang Hamon
Pagkatapos na siya ay biglaang natumba, si JF, isang 67-taong gulang na babae, ay dinala sa ED dahil nakararanas siya ng kahinaan sa kaliwang bahagi ng katawan at malabong paningin na may kasamang intraparenchymal at intraventricular na pagdurugo sa kanang bahagi ng basal ganglia na may edema at midline shift. Pagkatapos ng 10 araw sa ICU, ang kanyang kalagayan ay patuloy na lumalala.
Layunin
Upang mapabuti ang quality of life ng isang pasyente nang hindi nangangailangang magkabit ng trach at PEG na tubo at upang makapagbigay ng psychosocial na suporta sa pamilya ng pasyente.
Solusyon

Nakipagkita ang isang RN ng VITAS sa anak na babae ni JF sa kanyang tabing-kama noong araw ding iyon. Sinimulan ang isang general inpatient hospice care (GIP) na antas ng pangangalaga.*

Nagbigay-alam ang pangkat ng hospice sa pamilya tungkol sa proseso ng pag-alis ng ventilator, pagtanggal ng feeding tube at ng paghinto ng pagbibigay ng mga antibiotic. May isang social worker at kapilyan na nagbigay ng espiritwal na pangangalaga at suporta, kabilang ang tulong sa pagsusuri ng mga plano sa paglilibing, habang may isang nurse na inaasikaso ang pangangasiwa ng sintomas sa tabing-kama sa buong haba ng panahon ng kanyang aktibong yugto ng pagpanaw, pinamamahalaan ang mga inaasahan at nagbibigay ng suporta sa anak na babae.

*Alinsunod sa mga tuntunin ng Medicare, ang mas matataas na level ng pangangalaga ay ibinibigay kapag natukoy ng isang doctor ng VITAS na ang pasyente ay karapat-dapat para sa mas mataas na level ng pangangalaga (level of care, LOC) o GIP. Ang pagiging karapat-dapat para manatili sa isang mas mataas na LOC ay araw-araw na tinatasa ng isang RN at ng isang doctor ng VITAS. Ang mas matataas na mga LOC ay ibinibigay sa pansamantalang batayan hanggang sa ang (mga) sintomas ay pinakamainam nang napangangasiwaan.

Resulta

Si JF ay kumportableng pumanaw maka-37 oras pagkatapos na siya ay na-admit; pinarangalan ang kanyang mga kahilingan na ilibing habang may suot na damit na paghahalaman. Ang anak na babae ni JF ay nakatanggap ng 13+ na buwan ng bereavement support (suporta sa mga naulila) at isang Memory Bear bilang alaala na yari mula sa pananamit ni JF.

 

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.