Edukasyon ng Pasyente: Paglahok sa Health Information Exchange

Ang dapat mong malaman:

Nakikipag-partner ang VITAS sa mga vendor ng Health Information Exchange (HIE) para makapagbigay ng protektadong kakayahan na makita ang pangangalagang ibinibigay sa iyo sa pamamagitan ng pagbigay ng mga notification sa panahon ng admission, discharge, at transfer (ADT) sa pagitan ng mga provider. Sa pamamagitan ng mga notification, nabibigyan ng update tungkol sa kalagayan ng pasyente ang mga doktor at team na namamahala ng kanyang pangangalaga, na siyang nagpapabuti sa kanyang paglipat matapos na ma-discharge, nakapag-hihikayat ng mga follow-up, nagpapasimple sa mga pakikipag-ugnayan sa mga provider, at nakpag-bibigay suporta sa mga pasyenteng may maraming o malalang mga kundisyon. Ang paglahok sa serbisyong ito ay palaging base sa iyong pagpapasya.

Paano nagbabahagi ng impormasyon sa kasalukuyan?

Sa kasalukuyan, ang mga healthcare providers, mga Accountable Care Organizations (ACO), at mga kumpanya sa insurance ay nagbabahagi ng impormasyon sa kalusugan sa pamamagitan ng fax, telepono, koreo, at mga ilang limitadong network sa computer. Hindi ito mahusay, gumugugol ng karagdagang oras, at puwedeng magresulta sa hindi kumpletong impormasyon ng pasyente.

Ano ang mga benepisyo ng paggamit ng serbisyong ito?

Sa pamamagitan ng pagsali sa serbisyong ito, pinapahintulutan mo ang iyong provider network na kusa o pinasadyang magpadala ng elektronikong notification kapag nagbago ang kinalalagyan ng iyong pangangalaga: kapag na-admit, na-discharge, o na-transfer ka patungo sa ibang pasilidad. Ipinapadala ang paunawa sa mga provider na kung saan mayroong kang aktibong kaugnayan sa pangangalaga. Pinapahusay nito ang koordinasyon ng pangangalaga at nagpapakita ito ng mas kumpletong impormasyon tungkol sa iyong pangangalaga sa iyong mga provider.

  • Nagbibigay ng paunawa sa provider network kapag nagbago ang kinalalagyan ng pangangalaga
  • Hinihikayat nito ang pagkakaroon ng follow-up kung kinakailangan
  • Naghahandog ng mas kumpletong impormasyon tungkol sa buong kasaysayan ng iyong pangangalaga

Ano ang dapat kong malaman tungkol sa seguridad ng aking mga talaang pangkalusugan?

Ang VITAS at ang aming HIE na mga ka-partner ay legal na pinagbabawalang gamitin ang iyong impormasyon sa hindi pinapahintulutang pamamaraan. Hindi puwedeng ibenta ang iyong personal na impormasyon para sa anumang dahilan. May nakatalagang mga alituntunin ng estado at pederal na proteksyon para masiguro ang seguridad ng iyong impormasyon. Ang hindi pinapahintulutang pag-access ay lumalabag sa mga pamantayan ng Health Insurance Portability and Accountability Act (HIPAA) at may parusang naaayon sa batas para dito.

Paano ako magpapasyang lumahok?

Sa panahon ng pagka-admit sa hospice, bibigyan ka ng form ng pahintulot sa HIE para iyong mapag-aralan kasama ng isang miyembro ng VITAS staff. Upang makasali dito, punan ang hinihiling na impormasyon, i-check ang kahon sa pag-opt in, at pirmahan. Puwede kang magpasyang lumahok sa ibang panahon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa VITAS sa 877.590.0208.

Paano kung hindi ko na gustong gamitin ang serbisyo ng HIE?

Puwede kang itigil ang paglahok sa HIE sa anumang panahon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa VITAS sa 877.590.0208. Puwede kang magbago nang isip nang kahit gaano karaming beses sa panahon ng iyong pananatili sa VITAS. Ang iyong pangangalaga ay hindi negatibong maaapektuhan ng iyong pasyang hindi sumali, at ang anumang karagdagang paggamot o pagbabago sa kinalalagyan ng pangangalaga ay hindi isasa-dokumento sa HIE. Patuloy na makikipagtulungan ang VITAS sa iyong mga provider para sa mga opsyon sa paggamot, koordinasyon ng pangangalaga, at pagbabayad, pero hindi ilalagay ang impormasyon sa HIE.

Anong impormasyon sa kalusugan ang ibabahagi?

Magbabahagi ang VITAS sa iyong provider network sa pamamagitan ng elektronikong paunawa kapag nagbago ang iyong kinalalagyan sa pangangalaga. Bilang halimbawa, ang paglipat na ito ay posibleng mula sa skilled nursing patungo sa kinalalagyan sa bahay, o mula sa hospice care patungo sa isang lugar para sa mga inpatient sa ospital. Para masiguro na ang paunawa ay tamang naipapadala, kabilang sa protektadong naibabahaging impormasyon ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, address, kasalukuyang katayuan ng pangangalaga, mga provider, impormasyon sa insurance, kasaluluyang diagnosis, at paglahok sa hospice.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.