Naka-encrypt na Email Mula sa VITAS

Nakikipag-ugnayan ang VITAS sa aming mga pasyente at sa kanilang mga itinalagang kinatawan sa pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng email kapag kinakailangan.

Gumagamit kami ng serbisyo sa pag-encrypt para matiyak na mananatiling secure at kumpidensyal ang Personal na Impormasyong Pangkalusugan (Personal Health Information, o PHI) ng aming mga pasyente. 

Mag-click sa link na "Mag-click dito" sa encryption email. Kung hindi gumagana ang link na "Mag-click Dito", basta buksan na lang ang attachment.

Isang halimbawa ng panimulang email:

Screenshot ng pangunahing email

Kapag na-click mo na ang link na ito, makakatanggap ka ng pangalawang email mula sa NoReply@vitas.com na naglalaman ng iyong validation code sa pag-register. Tandaan: Ipapadala ang email sa iyo pagkatapos mong i-click ang "Mag-click dito" sa naunang hakbang, kaya kakailanganin mong bumalik sa iyong inbox para makuha ang validation code.

Halimbawa ng pangalawang email na may validation code:

Isang screenshot na nagpapakita ng mensaheng may validation code

Sasabihan ka na gumawa ng account para matanggap ang naka-encrypt na email.

Kapag nag-aaccess ng naka-encrypt na email sa pinaka-unang pagkakataon, kakailanganin mong ilagay ang validation code na ipinadala sa iyong email address. Punan ang impormasyon:

Isang halimbawa ng prompt sa pag-log in:

Screenshot ng prompt sa pag-log in

Magagawa mo nang buksan ang email, i-download ang mga form ng pahintulot, at i-print, lagdaan, at ibalik ang form sa pamamagitan ng reply email. Puwede ka ring lumagda sa electronic na pamamaraan.

Gamitin ang "Reply all" kapag ibinabalik ang may lagdang form.

Isang halimbawa ng naka-encrypt na mensaheng may attachment:

Screenshot ng naka-encrypt na mensahe na may attachment

Mga Payo sa Paglutas ng mga Problema

Anong gagawin ko kung hindi gumagana para sa akin ang link na "I-click ito"?

Kung hindi gumagana ang link na "I-click ito", buksan o i-download na lang ang attachment.

Gumawa ako ng account, pero hindi ako kaagad na ibinalik sa email.

Kung hindi ka kaagad na ibinalik sa email pagkatapos mong gumawa ng secure na account, kuhanin ang email sa iyong inbox, piliin ang "I-click ito" at mag-log in sa iyong bagong gawa na account. 

Nakatanggap ako ng mensahe na sira ang file na sinusubukan kong basahin.

Makipag-ugnayan po sa 800.938.4827.

Nakarehistro na ang username na hiniling ko. Ano ang ibig sabihin nito?

May account ka na sa Proofpoint Encryption. Subukang mag-log in gamit ang username at i-reset ang iyong password.

Kumuha kopya ng mga tagubiling ito na maaaring i-print.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.