Na-ii-download na Impormasyon ng Hospice para sa Pasyente, Pamilya, at Tagapag-alaga

Pagsasaalang-alang ng Hospice Care: Isang Gabay sa Pag-uusap para sa mga Pamilya at Tagapag-alaga

Kapag pinili mo ang hospice care, mabibigyan ka at ang iyong pamilya ng kontrol sa kung paano at saan ka makakatanggap ng pangangalaga kapag malapit na ang katapusan ng buhay. Ikaw at ang iyong mga mahal sa buhay ay makakagawa ng mga may kabatirang opsyon tungkol sa pangangalaga, iyon man ay sa hinaharap o sa ngayon. Ito ang dahilan kung bakit ibinibigay ng VITAS Healthcare ang libreng gabay sa talakayan sa hospice na ito para tulungan kayong lahat na magkasundo sa mga planong angkop para sa iyo.

Ang komprehensibong, madaling gamiting booklet na ito ay makakatulong sa mga pamilya na pag-usapan o kahit pag-isipan man lang ang tungkol sa hospice care.

Impormasyon ng Hospice na Partikular sa Sakit para sa mga Pasyente, Pamilya, at Tagapag-alaga

Sa VITAS, ini-aangkop namin ang aming mga plano para sa hospice care upang matugunan ang mga natatanging sintomas at pangangailangan sa pakikihalubilo at emosyonal na maaaring kaugnay sa bawat partikular na kalagayan o karamdaman.

I-download ang impormasyon tungkol sa kung paano makakatulong ang VITAS sa iyo o sa iyong mahal sa buhay:

Oras na ba Para Tawagan ang Hospice?

Nakakatanggap pa rin ba ang pasyente ng medikal na tulong na kanyang kinakailangan? Ipinaliliwanag ng brochure na ito kung ano ang dapat hanapin kapag panahon na para dapat bigyang-tuon ang pasyente kaysa sa sakit.

Ang Benepisyo ng Hospice Medicare

Ang mga benepisyaryo ng Medicare, Medicad and Medi-Cal ay nakakatanggap ng mga hospice services nang walang gastos. Ipinaliliwanag ng brochure ang mga pangunahing impormasyon.

Pain Management at Hospice Care

Ang pananakit ang pangunahing sintomas ng mga pasyenteng may malubhang sakit at ang pinaka-unang prayoridad para sa mga hospice services. Ipinaliliwanag ng brochure na ito kung papaano napamamahalaan ang pananakit.

Hospice vs. Palliative Care

Ano ang pagkakaiba ng hospice at palliative care? Matutulungan ka ng aming gabay upang malaman ang kaibahan sa pagitan ng dalawang napakahalagang pamamaraan sa pangangalaga.

Tulong na Benepisyo sa mga Beterano.

Ang mga beteranong militar ay may natatanging mga pangangailangan sa pagtatapos ng buhay; alamin kung papaano makakatulong ang hospice.

Mga Advance na Directive

Ang maagang paggawa ng mga desisyon tungkol sa pangangalaga ng kalusugan ang pinakamabuting paraan para gawing positibo at may kahulugan ang kamatayan para sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay. Ang 7 mga katotohanan na ito tungkol sa mga advance na directive ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang kanilang kahalagahan.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.