Ang Patakaran ng VITAS Tungkol sa ​​​​​​​Medikal na Tulong sa Opsiyon sa Pagkamatay sa California

Tumatanggap ang VITAS Healthcare ng mga pasyenteng sertipikado ng isang doctor​​​​​​​ bilang mayroong sakit na walang lunas at malamang na magdulot ng kamatayan. Bilang isang provider ng mapagmahal na hospice na pangangalaga, tatanggapin namin at susuportahan ang isang pasyenteng nagpasyang sumailalim ng proseso ng medikal na tulong sa pagkamatay.

Hindi naghahangad ang hospice care na pabilisin o ipagpaliban ang kamatayan, at sa VITAS, itinuturing namin ang pagkamatay bilang isang natural na proseso. Sinusuportahan namin ang mga karapatan ng mga pasyenteng may sakit na walang lunas at ginagabayan ng mga indibidwal na plano ng pangangalaga na mapag-aruga at nakatuon sa pasyente. Naniniwala rin kami na ang mga pasyente ay may karapatang makagawa ng mga pagpapasya para sa kanilang sarili habang sila ay papalapit na sa katapusan ng buhay. Bilang mga provider ng hospice, hindi namin tatalikuran ang mga pasyenteng may sakit na walang lunas.

Mga Pasyenteng Sumasailalim ng Proseso ng Medikal na Tulong sa Pagkamatay

Tatanggapin ng VITAS ang mga pasyente na nagpasyang sumailialim ng proseso ng medikal na tulong sa pagkamatay kung sila ay kuwalipikado para sa hospice. Bilang karagdagan pa, kami ay:

  • Magbibigay ng mga sanggunian na tulad ng Compassion and Choices na website at/o numero ng telepono sa mga pasyenteng humiling ng impormasyon tungkol sa proseso ng medikal na tulong sa pagkamatay
  • Sinisiguro na ang mga pasyente ay tumatanggap ng mga hospice services kahit man naisipan nilang sumailalim ng proseso ng medikal na tulong sa pagkamatay o hindi
  • Magbibigay ng mapag-arugang mga hospice services doon sa mga nagpasyang sumailalim ng proseso ng medikal na tulong sa pagkamatay 
  • Iiwasan ang paglalapat ng hindi naaangkop na impluwensiya tungkol sa proseso ng medikal na tulong sa pagkamatay sa kahit anumang sitwasyon
  • Iiwasan ang anumang mapanghamak o negatibong/mapaghusgang mga opinyon tungkol sa mga desisyon ng pasyente na ito

Sa pagkumpleto ng proseso, ang mga tauhan ng VITAS ay:

  • Hindi mananagot para sa anumang responsibilidad sa paniniguro na ang mga kinakailangang gawin ayon sa regulasyon ay sinusunod.
  • Hindi magbibigay, magdadala, mamamahagi, maglalaan, o tutulong sa anumang paraan sa gamot na kaugnay sa medikal na tulong sa pagkamatay.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.