Paano makakayanan ang pangungulila sa Araw ng mga Ina

Ang Helpline para sa Pangungulila sa Araw ng mga Ina ay magbubukas sa Linggo Mayo 10, 8 a.m.-11 p.m. ET / 5 a.m.-8 p.m. PT.

Isa itong pambansang kaganapan; ang mga tumatawag ay hindi kinakailangang maging pasyente ng VITAS o kapamilya ng pasyente.
Tumawag sa 844.218.4827

Mga mapagkukunan upang makayanan ang pangungulila at pagkawala

Ang pangungulila ay isang natural na pagtugon sa pagkawala, at ito ay kalimitang mas malakas na nararanasan sa panahon ng mga holiday na tulad ng Araw ng mga Ina, lalong-lalo na kapag naaalala ang isang ina o isang taong nagsilbi bilang ina na namatay. Walang tamang paraan para mangulila o karapat-dapat na haba ng panahon (timeline) para bumuti ang pakiramdam, ngunit ang pagbabahagi ng iyong karanasan, ang pagkakataong matutunan kung paano nakakayanan ng iba ang kanilang sitwasyon at ang paghahanap ng suporta sa pangungulila o ng pagpapayo sa pangungulila sa pagpanaw ng tao​​​ ay maaaring makatulong sa iyo na mapamahalaan ang mga emosyong ito. 

Mga madalas itanong

Kailan maaaring makaugnayan ang Helpline para sa Pangungulila sa Araw ng mga Ina? +

Ang VITAS bereavement specialists ay maaaring maka-ugnayan sa pagitan ng 8 a.m. at 11 p.m. Eastern Time, 5 a.m. at 8 p.m. Pacific Time, sa Araw ng mga Ina, Linggo, Mayo 10, 2026.

Ano ang pangungulila sa panahon ng Araw ng mga Ina? +

Ang pangungulila sa panahon ng Araw ng mga Ina ay ang pait ng damdamin o kalungkutang nararamdaman ng mga tao sa mismong Araw ng mga Ina, o kaya sa panahong malapit sa Araw ng mga Ina pagkatapos ng pagkawala ng isang ina o mahal sa buhay.

Bakit mas malakas ang pakiramdam ng pangungulila sa mga holiday? +

Kalimitang binibigyang-tuon ng mga holiday ang pagkawala, mga alaala at tradisyon na maaaring makapagpalakas ng pakiramdam ng pagkawala.

Paano ko makakayanan ang pangungulila sa Araw ng mga Ina? +

Maaari mong makayanan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng karangalan sa iyong mahal sa buhay, pakikipag-usap sa ibang tao, pagbabago ng mga inaasahan at paghahanap ng suporta sa pangungulila kung kinakailangan.


 

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.