VITAS Advantage: Sinusuportahan ang mga Doktor na May mga Pasyenteng Nangangailangan ng mga Komplikadong Modality
Papaano Ka Matutulungan ng VITAS
Ang mga pasyente na nangangailangan ng komplikadong mga modality na mahirap maisagawa sa labas ng ospital, pangangalaga na pangmatagalan o skilled nursing na pasilidad ay maaaring makinabang sa kadalubhasaan ng hospice at mga resource ng VITAS, kabilang ang komplikadong mga pagsasagawa at paggagamot.
May kakayahan ang VITAS na tumanggap ng mga pasyenteng nangangailangan ng komplikadong mga modality upang maasikaso ang kanilang mga agresibong sintomas-ang mga pasyenteng maaaring hindi sapat ang mga resource o kadalubhasaan ng ibang mga hospice na programa upang makapagbigay ng nararapat na pangangalaga, at siyang karaniwang hindi itinuturing na naaangkop para sa paglipat sa pag-aalaga sa bahay.
Pinamumunuan ng aming full-time na mga medikal na direktor, ang aming mga manggagamot ay gumagawa ng mga pinasadyang plano ng pag-aalaga na angkop sa mga kahilingan at layunin ng pasyente habang papalapit na ang katapusan ng buhay, na siyang nagrereulta sa mas positibong mga kinahihinatnan para sa mga pasyente, pamilya at mga tagapangalaga, at mas kakaunting mga biyahe sa ospital o sa ED. Nakikipagtulungan sa iyo at sa iyong practice ang VITAS upang makapagbigay-kaalaman sa aming mga pagsasagawa at maibigay ang pinakamataas na kalidad ng pangangasiwa ng sintomas.
Case Study: Pasyenteng may Advanced Lung Cancer
Pakikipag-tugma ng Pangangalaga sa Attending Physician
Kapag nag-refer ka sa VITAS, maaari mong mapagkatiwalaan na ang aming mga pangkat sa hospice na binubuo ng iba't ibang mga disiplina ay sisimulan ang komplikadong mga modality na kinakailangan ng iyong pasyente para mapamahalaan ang mga sintomas at makamit ang kaginhawahan sa gusto niyang kinalalagyan ng pangangalaga. Makikipagtulungan kami sa iyo, sa pasyente, sa kanilang pamilya at tagapag-alaga sa isang plano ng pangangalaga na nagbibigay-prayoridad sa pasyente at pamilya habang nagbibigay-pakinabang sa lahat ng mga kasangkot.
Pangangasiwa ng Malubhang Sintomas at Bukas na Formulary
Sinusuportahan ng aming bukas na formulary at panariling home medical equipment division, ang VITAS ay may mga gamot, kagamitan, at kadalubhasaan para masuportahan ang kahit sinumang pasyente. Gaano man kakumplikado o kahirap ng mga sintomas ng aming pasyente, ang VITAS ay may hospice at palliative care solution at protocol na hindi naibibigay ng ibang mga hospice na provider, kabilang ang ngunit hindi limitado sa:
- Mga intravenous therapy para sa pain management, hydration, mga antibiotic, atb.
- Paracentesis at thoracentesis
- Chest tube/PleurX
- High-flow oxygen therapy
- Palliative blood transfusion o pagsasalin ng dugo
- BiPAP, CPAP at Trilogy non-invasive na ventilation
- PEG-tube care at tube feedings o pagpapakain gamit ang tubo
Kung lumubha ang mga sintomas habang nasa hospice care ang pasyente, isasaayos ng VITAS ang antas ng pangangalaga sa pasyente para makapagbigay ng full-time na klinikal na suporta, mga karagdagang palliative na hakbang, at/o pansamantalang pananatili sa inpatient na hospice unit ng VITAS hanggang sa maging stable ang mga sintomas at mapamahalaan ang sakit.
I-explore ang iba pang VITAS Advantages para sa Mga Doktor
Mga Darating na Webinar para sa Mga Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan
Mga Clinician: Mag-sign up para sa mga email mula sa VITAS
Mag-subscribe para sa balita sa end-of-life care at mga libreng CE webinar.
Mag-sign Up