Ekspertong Panel para sa mga Doktor at Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan
Samahan kami sa pakikipagtalakayan ng panel kung saan pag-uusapan natin ang lumalagong pangangailangan at epekto ng pinagsamang palliative na pangangalaga at hospice care para sa malubhang karamdaman. Alamin kung papaano natutulungan ang mga pasyente ng pagsasama-sama ng mga estratehiya mula sa iba't ibang mga sektor na kung saan pinag-uugnay ang pangunahing pangangalaga, mga ospital, skilled nursing facilities, assisted living at hospice sa kanilang ninanais na kinalalagyan.
Pag-aaralan ng sesyong ito ang mga sitwasyon na tunay na naganap upang maikpakita kung gaano kadali ang paglipat sa buong haba ng proseso upang mapabuti ang karanasan ng pasyente at pamilya. Idinisenyo para sa mga doktor, nurse, social worker, tagapamahala ng kaso at iba pang mga propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan, matututunan din ng mga kalahok ang pangunahing mga bahagi ng de-kalidad na palliative na pangangalaga at hospice care at ang epekto ng mga panlipunang kadahilanan sa kalusugang nagtatakda sa pagkakapantay-pantay ng kakayahang makatanggap ng mga ito.
Ang mga Magsasalita
Dr. Joseph Shega, MD
Executive Vice President at Chief Medical Officer
Maite Hernandez, RN
Vice President, Patient Access Development
Dr. Jigar Joshi, MD
Senior Medical Director
Dr. Lauren Loftis, MD
Regional Medical Director
Jennifer O’Neill
Vice President, Palliative Care
Ang webinar na ito ay inihahandog para sa parehong CE at CME na credit:
- Ang CE na credit ay para sa mga nurse (RN, LPN, LVN; sa California, mga Registered Nurse lamang), social worker at certified case manager, at pati na rin mga lisensiyadong tagapamahala ng nursing home sa mga estado ng Florida at Illinois.
- Ang CME na credit ay para sa mga doktor (MD, DO), nurse practitioner (NP), at physician assistant (PA).
Makakatanggap ang mga dumalo ng 1.5 oras ng continuing education o patuloy na edukasyon. Tingnan sa ibaba para sa kumpletong impormasyon ukol sa certification at mga tagubilin.
Mga Nurse at Case Manager
Para magkaroon ng CE credit, dapat panoorin ng mga attendee ang buong webinar, sagutan ang isang online na post-event na evaluation, at i-download ang sarili nilang CE certificate. Dapat magparehistro at mag-sign in ang mga kalahok sa live na webinar gamit ang iisang email address.
Ang aktibidad na ito ay naaprubahan para sa 1.5 (na) oras na kredito ng continuing education para sa mga nars (RN, LPN, LVN, ARNP; sa California, Mga Rehistradong Nars lamang), mga social worker at mga sertipikadong case manager. Puwede ring makatanggap ang mga lisensiyadong nursing home administrator sa Estado ng Florida at Illinois ng 1.5 oras ng continuing education na credit. Kailangan ang pagdalo sa buong online na webinar, pati na rin ang pagkumpleto ng isang maikling online na evaluation. Makukuha ang mga certification pagkatapos nito.
Mga Doktor

Mahusay na Pagtatapos - Dapat kumpletohin ng mga mag-aaral ang isang evaluation form para makatanggap ng certificate ng pagkumpleto. Dapat kang lumahok sa buong aktibidad dahil walang partial credit na maibibigay. Kung naghahanap ka ng continuing education na credit para sa isang kadalubhasaan na hindi nakalista sa ibaba, responsibilidad mong makipag-ugnayan sa iyong licensing/certification board para matukoy ang pagiging kwalipikado sa kurso para sa iyong kinakailangang licensing/certification.
Mga Doktor - Bilang suporta sa pagpapahusay ng pangangalaga sa pasyente, plinano at ipinapatupad ng Amedco LLC at VITAS Healthcare ang aktibidad na ito. Ang Amedco LLC ay accredited ng Accreditation Council for Continuing Medical Education (ACCME), Accreditation Council for Pharmacy Education (ACPE), at American Nurses Credentialing Center (ANCC), para makapagbigay ng continuing education para sa healthcare team. Pahayag sa Pagtatalaga ng Credit - Itinatalaga ng Amedco LLC na ang live na aktibidad na ito ay may maximum na 1.50 na AMA PRA Category 1 na (mga) CreditTM. Ang mga doktor ay dapat lang kumuha ng credit na naaayon sa kanilang paglahok sa aktibidad.
Kung kailangan mo ng tulong dahil sa isang kapansanan, magpadala po ng email sa amin sa webinars@vitas.com.
Mga Detalye ng Event
Lokasyon/Paraan: Kumonekta sa pamamagitan ng Zoom. Pagkatapos mag-register, makakatanggap ka ng email na may mga tagubilin.