VITAS Suites sa Orlando Lutheran Towers
Kapag ang mga hospice patient ay nangangailangan ng pangangalagang higit sa naibibigay sa bahay, naghahandog ang VITAS ng inpatient care sa mga pasyente at suporta sa kanilang mga pamilya sa Orlando Lutheran Towers.
Ang mga pasyenteng nangangailangan ng pangangasiwa ng matinding sintomas at ang kanilang mga pamilya ay patuloy na makakaasa sa parehong kalidad ng 24 na oras na pangangalagang ibinibigay ng VITAS.
Impormasyon ng Bisita
Ang VITAS Suites sa Orlando Lutheran Towers ay matatagpuan sa kalagitnaan ng downtown Orlando, malapit sa Lake Eola, sa mga parke, at sa Orlando Regional Medical Center.
- 24/7 na access para sa mga bisita
- May libreng valet parking
- Pinapayagan ang mga maaamong alagang hayop
- Malalapit na restaurant at hotel