Inpatient Unit ng VITAS sa Lake Wales

410 S 11th St.

2nd Floor

Lake Wales, FL 33853

Kapag nangangailangan ang mga pasyente ng hospice ng pangangalagang higit pa sa mapapamahalaan sa bahay, ang Inpatient Unit ng VITAS sa Lake Wales ay parang bahay ang kinatatayuan na kung saan matatanggap ng mga pasyente ang indibidwal at dalawampu't apat na oras na pangangalagang kailangan nila. Layunin naming tulungan ang mga pasyenteng makabalik sa kanilang bahay sa lalong madaling panahon, kung saan patuloy kaming magbibigay ng suporta.

Kumikilos ang aming mga mapangalaga at propesyonal na healthcare providers sa hospice unit 24/7 para matiyak na ganap na napapangasiwaan ang pananakit at iba pang sintomas sa tulong ng personal na doktor ng pasyente.

Kilalanin ang Inpatient Team ng VITAS

Isang VITAS IPU team manager

Team Manager

Pinapangasiwaan ng team manager ang lahat ng pag-aalaga sa pasyente sa inpatient na hospice unit.
Isang Doktor sa VITAS

Doktor

Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.
Isang hospice nurse sa VITAS

Hospice Nurse

Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.
Isang social worker sa VITAS

Social Worker

Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.
Isang chaplain ng VITAS

Chaplain

Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.
Isang bereavement specialist sa VITAS

Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao

Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.
Isang boluntaryo sa VITAS

Volunteer

Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.
Ang Team sa Pag-aalaga ng VITAS