VITAS Inpatient Hospice Care sa Community Health and Rehabilitation Center

3611 Transmitter Road

Panama City, FL 32404

Inpatient Hospice Care

Kapag ang hospice patients ay nangangailangan ng pangangalaga na higit sa kung ano ang maaaring maibigay sa bahay, ang VITAS ay nagbibigay ng kinakailangan at naaangkop na pangangalaga sa inpatient upang makabalik sila sa nakagawiang pangangalaga ng hospice sa bahay sa lalong madaling panahon.

Sa isang mala-bahay na setting sa Community Health and Rehabilitation, tinitiyak ng aming interdisciplinary team na ang bawat pasyente ay nakakatanggap ng indibidwal, sa lahat ng oras na pangangalaga.

Mga Tampok ng Inpatient Care

  • 8 mga pribadong kwarto
  • Mga flat-screen TV sa mga kwarto
  • Mga pribadong paliguan
  • Overnight na akomodasyon para sa mga bisita
  • Mga pasilidad sa paliligo para sa mga bisita
  • Access sa computer at internet
  • Pamilyang conference room
  • Lokal na artwork
  • Shared na pampamilyang kwarto
  • Outdoor na lugar

May bibisitahin ka ba sa hospice?

Kilalanin ang Inpatient Team ng VITAS

Ang aming grupo ng espesyal na sinanay na mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na sinisiguro na ang mga huling buwan, linggo o araw ng isang pasyente ay magreresulta sa kalagayan ng kaginhawahan at karangalan.

Isang VITAS IPU team manager

Team Manager

Pinangangasiwaan ng team manager ang lahat ng pangangalaga ng inpatient hospice care team.

Doktor

Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.

Isang Doktor sa VITAS
Isang hospice nurse sa VITAS

Hospice Nurse

Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.

Social Worker

Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.

Isang social worker sa VITAS
Isang chaplain ng VITAS

Chaplain

Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.

Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao

Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.

Isang bereavement specialist sa VITAS
Isang boluntaryo sa VITAS

Volunteer

Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.