Inpatient Unit ng VITAS sa Good Samaritan Medical Center

1309 N Flagler Dr.

5th Floor

West Palm Beach, FL 33401

Inpatient Hospice Center

Kapag ang mga pasyente ng hospice ay nangangailangan ng pangangalaga na higit sa kung ano ang maaaring pangasiwaan sa bahay, ang Inpatient Hospice Unit ng VITAS sa Good Samaritan Medical Center ay isang parang bahay na setting kung saan matatanggap ng mga pasyente ang pang-indibidwal, at 24 oras na pangangalaga na kailangan nila. Layunin naming tulungan ang mga pasyenteng makabalik sa kanilang bahay sa lalong madaling panahon, kung saan patuloy kaming magbibigay ng suporta.

Kumikilos ang aming mga mapangalaga at propesyonal na healthcare providers sa hospice unit 24/7 para matiyak na ganap na napapangasiwaan ang pananakit at iba pang sintomas sa tulong ng personal na doktor ng pasyente.

Mga Feature ng Inpatient Unit

  • 8 mga pribadong kwarto
  • Mga pribadong paliguan
  • Access sa computer at internet
  • Mga flat-screen TV sa mga kwarto
  • Mga hardwood na sahig
  • Overnight na akomodasyon para sa mga bisita
  • Shared na pampamilyang kwarto
  • Shared na kusina

May bibisitahin ka ba sa hospice?

Kilalanin ang Inpatient Team ng VITAS

Ang aming grupo ng espesyal na sinanay na mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na sinisiguro na ang mga huling buwan, linggo o araw ng isang pasyente ay magreresulta sa kalagayan ng kaginhawahan at karangalan.

Isang VITAS IPU team manager

Team Manager

Pinapangasiwaan ng team manager ang lahat ng pag-aalaga sa pasyente sa inpatient na hospice unit.

Doktor

Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.

Isang Doktor sa VITAS
Isang hospice nurse sa VITAS

Hospice Nurse

Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.

Social Worker

Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.

Isang social worker sa VITAS
Isang chaplain ng VITAS

Chaplain

Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.

Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao

Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.

Isang bereavement specialist sa VITAS
Isang boluntaryo sa VITAS

Volunteer

Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming listahan ng email para sa mga webinar, balita tungkol sa Hospice care at higit pa.