Inpatient Hospice Unit ng VITAS sa University of Miami
Kung minsan, maaaring kailangan ng mga pasyente sa hospice ng pag-aalaga na higit sa kumportableng maibibigay ng mga pangunahing tapag-alaga sa bahay. Sa inpatient hospice unit ng VITAS sa University of Miami Hospital, nagbibigay ang aming espesyal na team ng kinakailangang antas ng pag-aalaga para ma-stabilize ang mga sintomas para makabalik na ang mga pasyente sa pamilyar na kapaligiran ng kanilang sariling bahay at regular na gawain sa lalong madaling panahon.
Gumagamit kami ng indibidwal na pamamaraan para sa bawat pasyenteng inaalagaan namin. Layunin naming suportahan ang aming mga pasyente at kanilang mahal sa buhay sa oras na ito ng pagsubok.
Impormasyon ng Bisita
Ang unit ay nasa gitna ng medical na distrito ng Miami, sa Metrorail's Civic Center stop. Pinagseserbisyuhan nito ang mga populasyon ng Coral Gables, downtown Miami, Brickell, Little Havana, at Midtown.
- Libreng paradahan
- Matatagpuan sa hiwalay na lugar sa ika-7 palapag ng ospital
- Pagbati sa mga bisita 24/7
- Malugod na tinatanggap ang mga nakatali at maamong alagang hayop
Dahil sa coronavirus na pandemic, posibleng maging limitado ang mga oras ng pagbisita at ang mga amenity para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga pasyente, bisita, at staff.