VITAS Inpatient Hospice Unit sa Palmetto General Hospital

2001 W 68th St.

7 South

Hialeah, FL 33016

Inpatient Hospice Center

Sa VITAS inpatient hospice unit sa Palmetto General Hospital, magsasagawa kami ng indibidwal na pamamaraan para sa bawat pasyenteng inaalagaan namin. Layunin naming suportahan ang aming mga pasyente at kanilang mahal sa buhay sa oras na ito ng pagsubok.

Paminsan-minsan, maaaring kailangan ng mga pasyente sa hospice ng pag-aalaga na higit sa kumportableng maibibigay ng mga pangunahing tapag-alaga sa bahay. Sa VITAS inpatient hospice unit sa Palmetto General Hospital, ibinibigay ng aming team na may kadalubhasaan ang kinakailangang antas ng pangangalaga para mapahupa ang mga sintomas nang sa gayon ay makabalik ang mga pasyente sa kanilang mga sariling pamilyar na bahay at regular na mga gawain sa lalong madaling panahon.

Gumagamit ang isang nurse ng VITAS ng stethoscope para mapag-aralan ang puso ng isang pasyente

Mga Feature ng Inpatient Unit

  • 6 nakabahaging kwarto
  • Mga flat-screen TV sa mga kwarto
  • Shared na pampamilyang kwarto
  • Outdoor na lugar

May bibisitahin ka ba sa hospice?

Kilalanin ang Inpatient Team ng VITAS

Ang aming grupo ng espesyal na sinanay na mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na sinisiguro na ang mga huling buwan, linggo o araw ng isang pasyente ay magreresulta sa kalagayan ng kaginhawahan at karangalan.

Isang VITAS IPU team manager

Team Manager

Pinapangasiwaan ng team manager ang lahat ng pag-aalaga sa pasyente sa inpatient na hospice unit.

Doktor

Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.

Isang Doktor sa VITAS
Isang hospice nurse sa VITAS

Hospice Nurse

Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.

Social Worker

Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.

Isang social worker sa VITAS
Isang chaplain ng VITAS

Chaplain

Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.

Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao

Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.

Isang bereavement specialist sa VITAS
Isang boluntaryo sa VITAS

Volunteer

Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming listahan ng email para sa mga webinar, balita tungkol sa Hospice care at higit pa.