Inpatient Hospice Unit ng VITAS sa Hialeah Hospital, FL
651 E 25th St.
2nd Floor
Miami, FL 33013
Inpatient Hospice Center
Paminsan-minsan, maaaring kailangan ng mga pasyente sa hospice ng pag-aalaga na higit sa kumportableng maibibigay ng mga pangunahing tapag-alaga sa bahay. Sa inpatient hospice unit ng VITAS sa Hialeah Hospital, nagbibigay ang aming specialized team ng kinakailangang antas ng pag-aalaga para mapahupa ang mga sintomas upang makabalik ang mga pasyente sa pagiging pamilyar ng kanilang mga sariling bahay at regular na gawain sa lalong madaling panahon.
Gumagamit kami ng indibidwal na pamamaraan para sa bawat pasyenteng inaalagaan namin. Layunin naming suportahan ang aming mga pasyente at kanilang mahal sa buhay sa oras na ito ng pagsubok. Hinihikayat ka naming itanong sa aming unit staff ang anumang tanong na mayroon ka, at ibahagi ang anumang impormasyong pinapaniwalaan mong mahalaga tungkol sa pasyente.
Impormasyon ng Bisita
Anim na kanto lang ang layo sa Hialeah Metrorail, nagseserbisyo ang inpatient unit sa mga pasyenteng nakatira sa greater Miami Lakes, Miami Springs, at Doral.
- Libreng paradahan
- Matatagpuan sa ika-2 palapag ng ospital
- Pagbati sa mga bisita 24/7
- Malugod na tinatanggap ang mga nakatali at maamong alagang hayop
- May hospital cafeteria at gift shop
Dahil sa coronavirus na pandemic, posibleng maging limitado ang mga oras ng pagbisita at ang mga amenity para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga pasyente, bisita, at staff.
Mga Feature ng Inpatient Unit
- Aktibidad para sa mga bata
- Access sa computer at internet
- Mga flat-screen TV sa mga kwarto
- Mga pribadong paliguan
- Pribadong tahimik na kwarto
- Shared na pampamilyang kwarto
- Shared na kusina
- Washer at dryer para sa mga bisita
May bibisitahin ka ba sa hospice?
Kilalanin ang Inpatient Team ng VITAS
Ang aming grupo ng espesyal na sinanay na mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na sinisiguro na ang mga huling buwan, linggo o araw ng isang pasyente ay magreresulta sa kalagayan ng kaginhawahan at karangalan.
Team Manager
Pinapangasiwaan ng team manager ang lahat ng pag-aalaga sa pasyente sa inpatient na hospice unit.
Doktor
Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.
Hospice Nurse
Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.
Social Worker
Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.
Chaplain
Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.
Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao
Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.
Volunteer
Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.