Inpatient Unit ng VITAS sa St. Mary's Hospital
56 Franklin St.
4th Floor
Waterbury, CT 06706
Inpatient Hospice Center
Kapag kailangan ng mga pasyente sa hospice ang pag-aalaga nang higit sa maibibigay sa bahay, nagbibigay ang VITAS Inpatient Hospice Unit sa St. Mary’s Hospital ng inpatient na antas ng pag-aalaga upang bumuti ang mga sintomas. Sa isang kapaligirang tulad ng sa bahay, naghahandog sa pasyente ang aming responsable at madamaying interdisciplinary team ng indibidwal at 24 na oras na pag-aalaga.
Pinangangasiwaan ng team ang kirot at iba pang sintomas ng sakit na nagdudulot ng pagkamatay habang pinahuhusay ang kalidad ng buhay ng pasyente at kapamilya. Kapag dinala ang isang pasyente ng VITAS sa aming inpatient hospice unit dahil sa medikal na suliranin, layunin naming suportahan ang parehong pasyente at ang kanyang mga mahal sa buhay sa panahon ng pagsubok.
Impormasyon ng Bisita
- Libreng paradahan sa garahe ng bisita
- Matatagpuan sa ika-4 palapag ng ospital
- Pagbati sa mga bisita 24/7
- Malugod na tinatanggap ang mga nakatali at maamong alagang hayop
- Mayroong serbisyo ng cafeteria at mga vending machine
Dahil sa coronavirus na pandemic, posibleng maging limitado ang mga oras ng pagbisita at ang mga amenity para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga pasyente, bisita, at staff.
Mga Feature ng Inpatient Unit
- 12 mga pribadong kwarto
- Aktibidad para sa mga bata
- Access sa computer at internet
- Mga flat-screen TV sa mga kwarto
- May libreng Wi-Fi na magagamit
- Mga pribadong paliguan
- Pribadong tahimik na kwarto
- Shared na pampamilyang kwarto
- Shared na kusina
- Washer at dryer para sa mga bisita
May bibisitahin ka ba sa hospice?
Kilalanin ang Inpatient Team ng VITAS
Ang aming grupo ng espesyal na sinanay na mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na sinisiguro na ang mga huling buwan, linggo o araw ng isang pasyente ay magreresulta sa kalagayan ng kaginhawahan at karangalan.
Team Manager
Pinapangasiwaan ng team manager ang lahat ng pag-aalaga sa pasyente sa inpatient na hospice unit.
Doktor
Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.
Hospice Nurse
Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.
Social Worker
Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.
Chaplain
Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.
Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao
Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.
Volunteer
Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.