Inpatient Hospice Unit ng VITAS sa Broward Health Coral Springs
3000 Coral Hills Drive
3 North
Coral Springs, FL 33065
Inpatient Hospice Center
Gusto nating lahat na nasa bahay kapag may sakit tayo. Kapag hindi ito posible, ang Inpatient Hospice Unit ng VITAS sa Broward Health Coral Springs ay maituturing rin na parang iyong tahanan na malayo sa iyong bahay para sa mga pasyenteng malapit na sa katapusan ng buhay at sa kanilang mga pamilya.
Naglalaan ng oras ang hospice team ng VITAS upang makilala ang mga pasyente at ang kanilang mga pamilya. Araw-araw na nagra-round ang medical direktor at naglalaan ng mga serbisyo ng nurse, hospice aide, chaplain, social worker, volunteer at supportive ancillary ayon sa plan of care ng pasyente.
Impormasyon ng Bisita
- Matatagpuan malapit sa University Drive at Sample Road
- 24/7 na access para sa pamilya at mga bisita
- Libreng paradahan
- May mga kalapit na hotel at restaurant
Dahil sa coronavirus na pandemic, posibleng maging limitado ang mga oras ng pagbisita at ang mga amenity para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga pasyente, bisita, at staff.
Mga Feature ng VITAS Inpatient Unit
- 12 mga kama
- Shared na pampamilyang kwarto
- Shared na kusina
May bibisitahin ka ba sa hospice?
Kilalanin ang Inpatient Team ng VITAS
Ang aming grupo ng espesyal na sinanay na mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na sinisiguro na ang mga huling buwan, linggo o araw ng isang pasyente ay magreresulta sa kalagayan ng kaginhawahan at karangalan.
Team Manager
Pinapangasiwaan ng team manager ang lahat ng pag-aalaga sa pasyente sa inpatient na hospice unit.
Doktor
Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.
Hospice Nurse
Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.
Social Worker
Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.
Chaplain
Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.
Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao
Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.
Volunteer
Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.