VITAS Inpatient Hospice Center sa Rockledge

5425 S. US Highway 1

Rockledge, FL 32955

Kapag nangangailangan ang mga hospice patients ng pangangalaga na higit pa sa mapangangasiwaan sa bahay, ang Inpatient Hospice Center ng VITAS sa Rockledge ay isang parang nasa-bahay na lugar na kung saan ang mga pasyente ay makakatanggap ng indibidwal at sa lahat ng panahong pangangalaga na kanilang kailangan. Layunin naming tulungan ang mga pasyenteng makabalik sa kanilang bahay sa lalong madaling panahon, kung saan patuloy kaming magbibigay ng suporta.

Kumikilos ang aming mga mapangalaga at propesyonal na healthcare providers sa hospice unit 24/7 para matiyak na ganap na napapangasiwaan ang pananakit at iba pang sintomas sa tulong ng personal na doktor ng pasyente.

Ang Inpatient na Hospice Unit Team ng VITAS

Isang VITAS IPU team manager

Team Manager

Pinapangasiwaan ng team manager ang lahat ng pag-aalaga sa pasyente sa inpatient na hospice unit.
Isang Doktor sa VITAS

Doktor

Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.
Isang hospice nurse sa VITAS

Hospice Nurse

Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.
Isang social worker sa VITAS

Social Worker

Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.
Isang chaplain ng VITAS

Chaplain

Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.
Isang bereavement specialist sa VITAS

Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao

Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.
Isang boluntaryo sa VITAS

Volunteer

Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.
Ang Team sa Pag-aalaga ng VITAS