VITAS Suites sa Winter Garden Rehabilitation and Nursing Center

12751 W Colonial Drive

Winter Garden, FL 34787

Inpatient Hospice Center

Kapag ang mga hospice patients ay nangangailangan ng pangangalaga na higit sa mapapamahalaan sa bahay, nagbibigay ang VITAS Suites sa Winter Garden Rehabilitation and Nursing Center ng kinakailangan at naaangkop na pangangalaga para makabalik sila sa kanilang karaniwang hospice care sa bahay sa lalong madaling panahon.

Sa unit ng inpatient na may kapaligirang tulad ng sa bahay, sinisiguro ng aming interdisciplinary team na tumatanggap ang bawat pasyente ng indibidwal at walang tigil na pag-aalaga.

Mga Feature ng Inpatient Unit

  • Aktibidad para sa mga bata
  • Access sa computer at internet
  • Mga pribadong paliguan
  • Pribadong tahimik na kwarto
  • Shared na kusina
  • Shared na pampamilyang kwarto
  • Outdoor na lugar
  • Washer at dryer para sa mga bisita
  • Mga pasilidad sa paliligo para sa mga bisita

May bibisitahin ka ba sa hospice?

Kilalanin ang Inpatient Team ng VITAS

Ang aming grupo ng espesyal na sinanay na mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na sinisiguro na ang mga huling buwan, linggo o araw ng isang pasyente ay magreresulta sa kalagayan ng kaginhawahan at karangalan.

Isang VITAS IPU team manager

Team Manager

Pinapangasiwaan ng team manager ang lahat ng pag-aalaga sa pasyente sa inpatient na hospice unit.

Doktor

Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.

Isang Doktor sa VITAS
Isang hospice nurse sa VITAS

Hospice Nurse

Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.

Social Worker

Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.

Isang social worker sa VITAS
Isang chaplain ng VITAS

Chaplain

Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.

Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao

Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.

Isang bereavement specialist sa VITAS
Isang boluntaryo sa VITAS

Volunteer

Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.