Hospice at Palliative Care sa Seminole, Orange, at Osceola County

Bibisitahin ka ng iyong mga miyembro ng VITAS hospice team saanman ang itinuturing mong bahay sa buong Orlando at Seminole, Orange at Osceola county sa Florida.

Mayroong mga opisina ang VITAS sa Kissimmee at Maitland, at may magagamit na mga kama ng inpatient kapag kailangan. Ang aming hospice care ay maaasahan mo sa tuwing kailangan mo ito. Ipinapakita ng mapa sa ibaba ang aming general service area.

Bilang karagdagan sa ekspertong pag-aalaga sa klinika, naghahandog ang VITAS ng holistic approach sa end-of-life care, kabilang ang alagang hayop, musika, sining at massage therapy, isang pediatric team at isang espesyalista sa buhay ng bata.

Naghahanap ka ba ng career sa hospice sa Orlando at Seminole, Orange at Osceola county? Tingnan ang aming mga bukas na posisyon ngayon.

Kilalanin ang Hospice Team ng VITAS

Isang Doktor sa VITAS

Doktor

Masusing sinusubaybayan ng doktor ang paglubha ng karamdaman ng pasyente, nagrereseta ng mga naaangkop na gamot, at nakikipatulungan sa pag-aalaga sa iba miyembro ng team.
Isang hospice nurse sa VITAS

Hospice Nurse

Sanay ang hospice nurse sa pagsusuri at pangangasiwa ng sakit na nararamdaman at iba pang sintomas. Maaari ding tumulong ang isang nurse sa personal care.
Isang hospice aide sa VITAS

Hospice Aide

Nagbibigay ang hospice aide ng personal care sa pasyente. Sila rin ang "mata at tainga" ng iba pang hospice team.
Isang social worker sa VITAS

Social Worker

Ang social worker ay tumatayo bilang magiliw at sanay na tagapakinig at nagbibigay ng emotional support.
Isang boluntaryo sa VITAS

Volunteer

Ang hospice volunteer ay maaaring magdala ng musika o isang Paw Pals animal companion, at naglalaan ng oras para malibang ang pasyente at pamilya.
Isang chaplain ng VITAS

Chaplain

Tinutugunan ng chaplain ang mga ispirituwal na pangangailangan ng mga pasyente at mga pamilya mula sa iba't ibang paniniwala, at maaari siyang makipagtulungan sa kanilang pari.
Isang bereavement specialist sa VITAS

Espesyalista sa pangungulila sa pagpanaw ng tao

Ang isang bereavement specialist ay nagbibigay ng suporta sa pangungulila at pagluluksa para sa mahal sa buhay ng pasyente.
Ang Team sa Pag-aalaga ng VITAS