VITAS Advantage: 24/7/365 Suporta sa Pangangalaga para sa Mga Ospital

Mula sa gabay sa telepono hanggang sa real-time na klinikal na suporta, kailangan mo ng hospice provider na palaging available.
 Karapa-dapat Ba Sa Hospice Ang Iyong Pasyente?

Kapag handa na ang iyong pasyente na tanggapin ang comfort ng hospice sa halip na paggagamot, makakatitiyak ka na matatanggap nila ang parehong antas ng suportang inaasahan nila sa iyo.

Papaano Ka Matutulungan ng VITAS

Nakahanda ang VITAS sa anumang oras sa umaga, hapon o kalagitnaan ng gabi, nang buong taon-kahit na pista opisyal at Sabado't Linggo. Kahit na sumiklab man ang mga sintomas ng iyong pasyente sa Bisperas ng Pasko, o kaya'y handa mo nang ilipat ang iyong pasyente mula sa ospital patungo sa hospice sa 2 ng umaga, ang aming pangkat ng mga manggagamot ay nakahandang tumulong kahit kailan mo kami kinakailangan.

Live na Klinikal na Suporta 24/7

Kapag nag-refer ka sa VITAS, mapagkakatiwalaan mo na sasagutin ng aming mga manggagamot ang anumang maaaring mga tanong na mayroon ang iyong pasyente, ang kanilang pamilya o tagapag-alaga. Walang 9-hanggang-5 na schedule na sinusunod ang mga sintomas, at ganoon din ang aming pangkat.

Kapag kinakailangan, maaaring personal na pumunta ang VITAS na manggagamot sa triage, inaasikaso at ginagawang stable ang pasyenteng may sintomas-kahit na yung mga nangangailangan ng mataas na acuity na pangangalaga. Ang aming 24/7 na pagiging available ay nakakatulong na maiwasan ang 911 na mga pagtawag sa telepono, mga pagbisita sa ED at muling pagpapa-ospital. Pinananatili nitong mataas ang iyong mga metrics sa kalidad habang binabawasan ang haba ng pagtigil at ang dami ng mga muling naa-admit.

Mga Pamamaraan na Naka-base sa Data para sa Mahusay na Paglipat

Napapansin mo ba habang binibisita ang mga pasyente sa papalapit sa hatinggabi, madaling-araw o sa kalagitnaan ng hapon na maaaring makinabang ang iyong pasyente sa hospice? Huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin. Pinatatakbo ng isang protektado at digital na pamamaraan ng referral, karaniwang sumasagot ang VITAS sa mga referral na kahilingan sa loob ng 15 minuto, kahit na anong araw o oras.

Ang aming mga dalubhasa sa admissions ay nakahandang makipagkita sa iyo at sa iyong pasyente kahit nasaan ka man, o kahit nasaan man sila. Mas pinadadali pa ng aming protektadong mobile app ang mga referral para sa lubos na aktibong mga klinikal na propesyonal at mga tauhan ng ospital.

Tingnan ang iba pang mga Advantage ng VITAS para sa Mga Ospital