VITAS Advantage: Mga Espesyalista sa Malubhang Karamdaman para sa mga Ospital

Naghahandog ng mga edukasyonal at klinikal na resource na idinisenyo para matulungan ang mga ospital na pahusayin ang sukatan ng kalidad at matugunan ang mga layunin sa pananalapi sa pamamagitan ng pinahusay na prognostication at pakikipagtulungan sa pangangalaga para sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman.
 Karapa-dapat Ba Sa Hospice Ang Iyong Pasyente?

Papaano Ka Matutulungan ng VITAS

Ang mga klinkal na tauhan ng VITAS at nakalaang kinatawan ng ospital ay sinanay nang husto upang matupad ang mga pangangailangan sa pangangalaga ng mga pasyenteng may malubhang karamdaman. Sa pamamagitan ng edukasyong nakatuon sa sakit sa end-of-life care, tumutulong ang aming mga espesyalista sa malubhang karamdaman sa mga tauhan ng ospital na pahusayin ang prognostication sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga senyales at sintomas na tumutukoy kung kwalipikado sa hospice ang isang pasyente.

Makikipagtulungan sa iyo ang mga eksperto sa VITAS para makagawa ng edukasyonal na planong nakaangkop sa mga pangangailangan ng iyong ospital. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa aming mga dalubhasa sa malubhang karamdaman, makakatulong din kami sa iyong mga tauhan na maunawaan kung paano pinakamahusay na mapapamahalaan ang mga hindi makontrol na sintomas at paano mapapangasiwaan ang mga pag-uusap sa mga layunin ng pangangalaga.

Mga Sukatan sa Pagpapahusay ng Kalidad ng Ospital

Tumutulong ang mga espesyalista sa malubhang karamdaman ng VITAS na masuportahan ang mga layunin ng iyong ospital para sa mas mataas na kalidad na pangangalaga, napaiksing tagal ng pagtigil sa ospital, pagbaba ng in-house na mortality, at pagtaas ng kasiyahan ng pasyente, sa pamamagitan ng:

  • Mabilis na pagtugon sa mga admission sa pamamagitan ng mga e-referral na portal para masiguro ang mahusay na transisyon ng pangangalaga at pagtaas ng kasiyahan ng pasyente
  • Pakikipagtutulungan para gumawa ng mga indibidwal na plano sa pangangalaga kung saan puwedeng magsama ng maraming antas ng pangangalaga para matugunan ang mga nagbabagong pangangailangan ng pasyente, upang masiguro ang tamang pangangalaga sa tamang oras
  • Mahusay na pagtatransisyon ng mga pasyenteng may malubhang karamdaman patungo sa pangangalaga sa bahay, na may mahigit sa 5 pagbisita kada linggo ng aming hospice interdisciplinary care na pangkat
  • Pagsisimula ng mga kasalukuyang pag-uusap sa advance na care planning

Mga Data na Partikular sa Ospital para sa Iyong Ospital

Higit na sinusuportahan ng mga espesyalista ng VITAS sa malubhang karamdaman ang layunin ng iyong ospital na pahusayin ang pangangalaga sa pamamagitan ng aming partnership sa mga pakikipagpulungan sa pangangalaga kung saan sinusuri namin ang data na tumutukoy sa mga kalakasan, kalakaran, at mga pagkakataon para sa pagpapahusay ng kalidad sa iyong ospital.

MGA CLINICIAN: MAG-SIGN UP PARA SA AMING MGA EMAIL

Sumali sa aming email list para sa mga webinar, mga balita tungkol sa hospice care at higit pa.