Tungkol sa Webinar na ito para sa Mga Doktor at Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan
Ang pag-aaral ng kalagayan ni JR, isang 75 taong gulang na pasyenteng may malubhang chronic obstructive pulmonary disease, ay nagsisilbing gabay sa pagtuklas ng malalang lung disease at ang mga benepisyo ng hospice care.
Malalaman ng mga dadalo ang iba't ibang uri ng (ALD), ang karaniwang mga kahirapang nararanasan na dulot ng sintomas, ang epekto ng ALD sa mga pasyente at mga pamilya, at ang mga dahilan na kaugnay sa hindi magandang prognosis. Tutukuyin ng presenter ang mga alituntunin para sa pagiging karapat-dapat sa hospice dahil sa ALD, ibabalangkas ang iba't ibang mga plano sa hospice care, at itataguyod ang halaga ng advance na care planning sa mga pasyente at sa kanilang mga pamilya.
Ilalapat din ng mga dadalo ang mnemonic ng clinician para sa mga sensitibong talakayan at kung paano tutugunan ang mga karaniwang maling akala sa pamamagitan ng isang halimbawa ng isang epektibong pag-uusap sa layunin ng pangangalaga.
Ang webinar na ito ay inihahandog para sa parehong CE at CME na credit:
- Ang CE na credit ay para sa mga nurse (RN, LPN, LVN; sa California, mga Registered Nurse lamang), social worker at certified case manager, at pati na rin mga lisensiyadong tagapamahala ng nursing home sa mga estado ng Florida at Illinois.
- Ang CME na credit ay para sa mga doktor (MD, DO), nurse practitioner (NP), at physician assistant (PA).
Makakatanggap ang mga dumalo ng isang oras ng continuing education. Tingnan sa ibaba para sa kumpletong impormasyon ukol sa certification at mga tagubilin.
Mga Nurse at Case Manager
Para magkaroon ng CE credit, dapat panoorin ng mga attendee ang buong webinar, sagutan ang isang online na post-event na evaluation, at i-download ang sarili nilang CE certificate. Dapat magparehistro at mag-sign in ang mga kalahok sa live na webinar gamit ang iisang email address.
Ang aktibidad na ito ay aprubado para sa isang oras na continuing education na credit para sa mga nurse (RN, LPN, LVN, ARNP; sa California, mga Registered Nurse lamang), social worker, at certified case manager. Puwede ring makatanggap ang mga licensed nursing home administrator sa Estado ng Florida at Illinois ng isang oras na continuing education credit. Kailangan ang pagdalo sa buong online na webinar, pati na rin ang pagkumpleto ng isang maikling online na evaluation. Makukuha ang mga certification pagkatapos nito.
Mga Doktor

Mahusay na Pagtatapos - Dapat kumpletohin ng mga mag-aaral ang isang evaluation form para makatanggap ng certificate ng pagkumpleto. Dapat kang lumahok sa buong aktibidad dahil walang partial credit na maibibigay. Kung naghahanap ka ng continuing education na credit para sa isang kadalubhasaan na hindi nakalista sa ibaba, responsibilidad mong makipag-ugnayan sa iyong licensing/certification board para matukoy ang pagiging kwalipikado sa kurso para sa iyong kinakailangang licensing/certification.
Mga Doktor - Bilang suporta sa pagpapahusay ng pangangalaga sa pasyente, plinano at ipinapatupad ng Amedco LLC at VITAS Healthcare ang aktibidad na ito. Ang Amedco LLC ay accredited ng Accreditation Council for Continuing Medical Education (ACCME), Accreditation Council for Pharmacy Education (ACPE), at American Nurses Credentialing Center (ANCC), para makapagbigay ng continuing education para sa healthcare team. Pahayag sa Pagtatalaga ng Credit - Itinatalaga ng Amedco LLC na ang live na aktibidad na ito ay may maximum na 1.00 na AMA PRA Category 1 na (mga) CreditTM. Ang mga doktor ay dapat lang kumuha ng credit na naaayon sa kanilang paglahok sa aktibidad.
Itinatampok na Eksperto sa VITAS

Henri Nammour, MD
Senior Medical Director - Volusia County, FL, VITAS Healthcare
Si Henri Nammour, MD, ay isang senior medical director para sa VITAS Healthcare, ang leading provider ng end-of-life care sa bansa. Si Dr. Nammour ang nangangasiwa at namumuno sa medikal na direksyon para sa VITAS sa Volusia County, Florida.
Si Dr. Nammour ay board certified sa internal medicine, pulmonary medicine, at hospice at palliative medicine. Mayroon siyang 28 (na) taon ng klinikal na karanasan, kabilang ang kanyang dating tungkulin bilang regional medical director para sa VITAS sa buong Central at North Florida.
Natapos ni Dr. Nammour ang kanyang medical degree sa American University of Beirut Faculty of Medicine sa Lebanon. Nakumpleto niya ang residency sa internal medicine sa Maryland General Hospital sa Baltimore at nakatanggap siya ng fellowship sa pulmonary disease at critical care sa St. Luke's-Roosevelt Hospital Center na kaugnay sa Columbia University sa New York City. Isa siyang aktibong miyembro ng American Academy of Hospice and Palliative Medicine at fellow ng American College of Chest Physicians.
Kung kailangan mo ng tulong dahil sa isang kapansanan, magpadala po ng email sa amin sa webinars@vitas.com.
Mga Detalye ng Event
Lokasyon/Paraan: Kumonekta sa pamamagitan ng Zoom. Pagkatapos mag-register, makakatanggap ka ng email na may mga tagubilin.