VITAS Advantage: Sinusuportahan ang mga Ospital na May mga Pasyenteng Nangangailangan ng High-Acuity na Pangangalaga
Ang mga pasyenteng nangangailangan ng high-acuity na pangangalaga ay kalimitang may:
- Mas mataas na posibilidad ng readmission
- Mas mataas na posibilidad ng in-hospital na morbidity at mortality
- Mas mataas na rate ng muling pagpapaospital, kritikal na pangangalaga, at paggamit ng ED
Papaano Ka Matutulungan ng VITAS
May kakayahan ang VITAS na mapangalagaan ang mga pasyenteng may high-acuity na pangangailangan na kung saan ang iba pang mga hospice ay kulang sa mga kinakailangang mga resource o kadalubhasaan.
Itinutugma namin ang aming mga plano sa pangangalaga sa mga kahilingan at layunin ng mga pasyente, na siyang nagreresulta sa mas positibong kinalalabasan para sa mga pasyente, mga pamilya at tagapangalaga, at mas kahanga-hangang mga pagsukat at grado ng kasiyahan para sa iyong ospital.
Case Study: Pasyenteng may Advanced Lung Cancer
Mas Pinagbuting Karanasan ng Pasyente
Ang mga pasyente sa hospice at ang kanilang mga pamilya ay karaniwang nag-uulat ng mas mataas na kalidad ng pangangalaga kapag malapit na ang katapusan ng buhay kung ikukumpara sa mga pasyenteng wala sa hospice na may malubhang karamdaman. Naghahandog ang VITAS ng nabawasang pagkabalisa na dulot ng mga sintomas at mataas na antas ng kasiyahan ng pasyente at pamilya, na siyang nagreresulta sa mas mabuting mga kinalalabasan sa kakayahan ng ospital. 1
Mas Mabilis na Paglipat sa Isang Mas Ninanais na Sitwasyon ng Pangangalaga
Pinangangasiwaan ng VITAS ang paglipat alinsunod sa mga patnubay ng CMS, na siyang nalilimitahan ang pananagutan at negatibong epekto sa resource ng iyong ospital.
Kapag pinagkatiwalaan mo ang VITAS na pangalagaan ang iyong mga pasyente, narito ang iyong maaasahan:
- Pagsusuri ng pagtanggap na gaganapin sa ospital sa loob ng ilang oras pagkatapos ng referral
- Kung napagpasyahan na karapat-dapat para sa hospice, ang pag-koordina sa pagtanggap, isang panariling plano ng pangangalaga, pagpapadala ng home medical equipment at mga pagbisita ng pangkat
- Ang paglipat sa isang naaangkop na kinalalagyan para sa pangangalaga, kung ito man ay sa isang pribadong tirahan, sa nursing facility, sa assisted living facility, sa skilled nursing facility o sa Inpatient na hospice unit.
Pinaikling Tagal ng Pananatili, Pagbaba ng Mortality at Pagkaunti ng Mga Readmission
Tinutulungan ng hospice care ang mga pasyente na makamit ang maayos na pagkamatay sa isang ninanais na setting, habang binabawasan ang tagal ng mga pananatili at pati na rin ng in-hospital na mortality rate. Dahil sa hospice, nababakante rin ang mga ICU bed, dahil ang mga pasyenteng dapat sana ay tatanggap ng kritikal na paggamot sa ICU ay puwede nang tumanggap ng nakatuon-sa-ginhawa na pangangalaga sa bahay o sa isang hospice IPU. 2
Ang mga pasyente na nangangailangan ng mas mahabang pagtigil, maraming beses na pagpapa-ospital, muling pagka-admit sa ER, o kaya ay namatay sa ospital, ay negatibong nagsasalarawan sa mga pagsukat ng kakayahan ng ospital. Nakapagbibigay ang VITAS ng lahat na apat na antas ng hospice care upang makamit ang iba-ibang mga pangangailangan ng pasyente sa buong yugto ng pagdaloy ng karamdaman, binabawasan o inaalis ang pangangailangan para ma-ospital o bisitahin ang ER.
Pinababang Gastos sa Medicare Para sa Bawat Benepisyaryo
Habang itinataguyod ng Centers for Medicare and Medicaid Services (CMS) ang industriya ng pangangalagang pangkalusugan sa isang nakabatay sa halaga na sistema ng pagbabayad, mas dumarami ang mga dahilan ng mga ospital at sistema sa pangangalagang pangkalusugan na magkaroon ng mahusay na performance sa iba't ibang sukatan at survey sa kalidad.
Ang paggastos ng Medicare para sa bawat benepisyaryo ay ginagamit para suriin ang kakayahan ng ospital na makapaghandog ng matipid ngunit mahusay na pangangalaga. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga pasyenteng may malubhang karamdaman na pumili ng hospice care ay may mas maliit na gastos sa Medicare kung ikukumpara sa mga pasyenteng wala sa hospice na sitwasyon bago mamatay. Totoo ito kahit na gaano man katagal ang kanilang tagal ng pananatili, na siyang may kapansin-pansing pagkakatipid kahit sa mga pasyente ng hospice na nag-enroll lang nang 1-7 araw bago ang pagkamatay. 3
Mapapahusay ng pag-refer ng iyong pasyente sa VITAS ang sukatan ng gastos kada benepisyaryo ng iyong ospital habang binabawasan ang pinansyal na pananagutan ng mga pasyente at pamilya.
Sanggunian:
1. Wright, A.A., et al. (2010). Place of death: correlations with quality of life of patients with cancer and predictors of bereaved caregivers' mental health. J Clin Oncol. 28(29):4457-4464.
2. Carlson MDA, Herrin J, Du Q, Epstein AJ, Barry CL, Morrison RS, et al. (2010). Impact of hospice disenrollment on health care use and Medicare expenditures for patients with cancer. J Clin Oncol. 28(28):4371.
3. Kelley, A. S., Deb, P., Du, Q., Aldridge Carlson, M. D., & Morrison, R. S. (2013). Hospice enrollment saves money for Medicare and improves care quality across a number of different lengths-of-stay. Health affairs (Project Hope), 32(3), 552-561. doi:10.1377/hlthaff.2012.0851
Tingnan ang iba pang mga Advantage ng VITAS para sa Mga Ospital
Mga Darating na Webinar para sa Mga Propesyonal sa Pangangalagang Pangkalusugan
Mga Clinician: Mag-sign up para sa mga email mula sa VITAS
Mag-subscribe para sa balita sa end-of-life care at mga libreng CE webinar.
Mag-sign Up